Thursday , June 4 2026
Bea Alonzo Dominic Roque Engage

Bea Alonzo panahon na para ikasal, career ‘di maaapektuhan

HATAWAN
ni Ed de Leon

ENGAGED to be married na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Talagang panahon na nga siguro para isipin niyang lumagay na sa tahimik, after all malamig na rin naman ang career niya. Hindi na niya masasabing baka maapektuhan ng kanyang pag-aasawa ang kanyang popularidad. 

In fact, ang kanyang pag-aasawa ay makatutulong pa nga sa kanya. Iyon nga lang, hindi masasabing matatangay siya ng kanyang pag-aasawa, dahil hindi naman sila naging love team o nagkatambal man lang ng kanyang boyfriend na si Dominic. Hindi nman kasi umabot sa level ng leading man iyong si Dominic. Iba siyempre kung ang magiging asawa niya ay ka-lov team niya. Halimbawa hindi sila nag-split ni Gerald Anderson, tiyak na iyan ay pinag-uusapan na. Kaso nga nasulot siya ni Julia Barretto, kaya ganoon.

Alam naman iyan ni Bea noon pa man, marami na ang nagsasabing hindi sila magka-level ni Dominic. Pero siguro naisip nga ni Bea na mabuti na iyong hindi sikat ang boyfriend niya, at least hindi na masusulot.

Isipin nga naman ninyo, noong una silang naging magsyota ni Gerald iniwan na siya. Tapos nag-reconcile sila, iniwan na naman siya ulit. At least si Dominic hindi siya iniwan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …