Wednesday , July 17 2024
Kuya Kim Atienza Anjo Pertierra

Kuya Kim naetsapwera sa pagpasok ni Anjo Pertierra

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG nalaos na si Kuya Kim nang pumasok ang poging weather reporter ng GMA na si Anjo Pertierra.  Poging matinee idol kasi ang dating ni Anjo at saka dati na iyang may fans noong varsity pa lang siya ng Mapua sa Volleyball, at noong lumabas na rin sa telebisyon bilang aktor.

Kahit na nagbabalita siya ng matinding pinsala ng bagyo, “Mas kaaya-aya pa rin siyang panoorin dahil pogi siya,” sabi nila.

Mukhang iyon na ngayon ang punto ng GMA News, mga magagandang babae at mga poging lalaki ang kanilang news presenters. Kailangan nilang umisip ng paraan para ma-maintain ang pagiging highest rater ng kanilang neewscast, lalo ngayong mukhang hindi na babalik si Mike

Enriquez, na matindi ang kredibilidad. 

Samantala sa kabila naman, pinanghahawakan nila ang kredibilidad ng mga retireable na nilang newscasters. Na hindi naman nakaabante kahit na noong araw.

Kami man, mas gugustuhin na naming makita si Anjo kaysa kay Kuya Kim. Ilagay na lang nila si Kuya Kim sa Eat Bulaga. Mukhang mas bagay silang magka-team ni Betong Sumaya.

About Ed de Leon

Check Also

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Priscilla tinapos relasyon kay John

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG tinuldukan na nga ng modelo at international beauty queen na …

Vilma Santos

Nominasyon ni Vilma bilang National Artist haharangin daw

HATAWANni Ed de Leon MAY isa kaming kaibigan na nagsabing ano raw kaya ang magiging …

50th MMFF

Vic, Piolo, Vice movies pasok sa first batch ng 50th MMFF

MARICRIS VALDEZ INANUNSIYO na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) chairman na si Don …