Friday , May 17 2024
Eat Bulaga Jalosjos

Eat Bulaga kamote pa rin, nanganganib mabaon sa utang

HATAWAN
ni Ed de Leon

TAMA nga bang magsaya at magyabang na ang ilang host ng Eat Bulaga ni Jalosjos dahil sa sinasabi nilang noong isang araw ay nabawasan ang audience ng lahat ng noontime shows samantalang sila ay tumaas? Ang basehan nila ay ang survey ng AGB Neilsen na nagsaasabing ang TVJ sa TV5 ay nagkaroon ng rating na 6.6%, na mas mababa kaysa  8.4% na nairehistro noon nang sila ay magsimulang muli sa TV5. Iyon din namang It’s Showtime ay nagrehistro lamang ng 2.22% na mas mababa kaysa

 2.26 % nang sila ay magsimula sa GTV. Samantalang ang Jalosjos show ay may 2.39% noong nagsimula sa kanilang bagong tahanan ang dalawang kalaban nila at ngayon ay mayroong 3.3% na sa ratings.

Karangalan ba iyon o kahihiyan? Ang TVJ ay nasa TV5 na ang transmission power ay nasa 50kw lamang, at may sampung provincial stations. Iyong GTV na naroroon ang Showtime ay may 50kw transmitting power din, pero wala pa yata silang mga nagagamit na provincial relays kundi ilan lang. Hindi pa rin sila nationwide broadcast sa free tv. Iyong noontime show ni Jalosjos, nasa pinakamalakas na tv station, ang GMA 7 na ang transmitting power ay 150kw, bukod pa nga sa may 90 provincial stations. Kahit na saang sulok ng Pilipinas abot iyan, tapos sa ganyang sitwasyon 3.3 lamang ang ratings mo, lampaso ka pa rin sa TVJ. 

Aba eh nakakahiya naman yata iyon. Sa lumabas na survey na iyan, lalo lang lalayas ang mga advertiser sa kanila. Isipin mo iyong lakas ng estasyon tapos ganoon lang kakaunti ang nanonood sa iyo at dahil channel 7 nga sila, mataas ang advertising rates nila kaysa iba. Talaga ngang pipilahan sila ng mga advertiser para mag-pull out. Para kang nakasakay sa isang kotse na formula one, tapos ang kalaban mo sa karera ay isang kalesa, at nilampasan ka pa ng kalesa eh talagang napakabulok na ng nagpapatakbo ng formula one.

Isipin mo iyong estasyon mo 150kw, tinatalo ka sa audience ng mas mahinang estasyon, ibig sabihin siguro walang kuwenta ang palabas mo. Dapat mag-isip na nga ang GMA 7 kung paano sila mapapasibat, lalaki lang nang lalaki ang utang niyan sa blocktime, hanggang sa hindi na iyan makabayad.

Wala ka namang mahahabol, dahil walang ibang assets ang TAPE Inc. Iyon namang property ng mga Jalosjos na Dakak at iyong theme park nilang bukas pa ba sa Dapitan, hindi naman iyon sa ilalim ng TAPE Inc. kaya hindi mo maaaring embarguhin iyon maliban kung sabihin ni Jalosjos mismo na iyon na lang ang ibabayad niya, na hindi naman siyempre niya gagawin. Matitigil iyang Jalosjos Show na baon sa malaking utang sa GMA kung hindi pa kikilos ang GMA hanggang maaga. Kung kami si Atty. Felipe Gozon, ipatitigil na namin iyang show ni Jalosjos, gagamitin namin ang mga artistang malalaki sa network, at iyon ang ilalaban namin sa TVJ.

Hindi naman puwedeng Showtime ang ipanlaban nila dahil hindi naman sa kanila iyon, sa ABS-CBN iyon.

At ano naman ang dahilan para gumawa ng napakalakas na show ang ABS-CBN sa isang estasyon na blocktimer lang naman sila at ang tiyak na makikinabang ay ang afternoon programming niyon na kalaban pa ng mga content nila na nasa ibang estasyon. Basta ba sila pupulot ng bato na ipupukpok sa ulo nila? Tuso rin iyang ABS-CBN, hindi mo maiisahan iyan.

May mag-alok lang diyan ng libreng airtime, halimbawa ay ang mga Villar, aalis iyan sa GTV eh, lalo na’t nakita na nila ngayon na mas malayo pa pala ang naaabot nila noong nasa TV 5 sila kaysa riyan sa GTV. Isipin mo iyong TV5, kahit na sa bulok na tv puwede mong mapanood, eh iyang GTV, paano na ang mga lumang tv na walang UHF at hindi aabot sa Channel 27? Eh ‘di wala na. Ano ang pakinabang nila roon eh wala na ngayong TV Plus, ang ipinagbibili na lang ngayong digital tuner ay iyong Affordabox ng GMA at iyong Sulit TV ng TV5.

Tagilid sila riyan. Actually puwedeng inalok nila noon ang TVJ na lumipat sa GTV nang umalis sa TAPE Inc. Pero hindi nila ginawa dahil alam ng TVJ ang problema nila sa GTV mas hindi sila mapapanood. Kaya nga ang naging choice nila ay ang TV5. So far sa maliliit na networks ngayon ang lumalaban lang nang husto ay iyong UNTV, dahil may captive audiene nga sila, iyong mga miyembro ng Dating Daan. Tingnan ninyo wala silang prom-promo-pero may audience sila. Iyong Wish nila, isa sa pinakasikat na estasyon ng radyo sa ngayon at ambisyon ng lahat ng singers na makapag-perform nang live sa kanilang Wish Bus.

Kaya iyang mga batang Jalosjos, kalma muna, hindi dahil tumaass ng ilang points ang ratings ninyo ay tagumpay na kayo. Kamote pa rin kayo lalo’t kung iisipin na nasa isang malakas na estasyon kayo, sayang ang kuryente ng network sa inyo.

About Ed de Leon

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …