Friday , May 17 2024

Sex video ng poging model at poging doktor hanap ng mga collector

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKIKIPAGTSISMISAN ang isa naming source nang bigla naming maramdaman ang lindol. Kasunod niyon nag-warning na ang NDRRMC sa mga cellphone na isang malakas na lindol nga ang tumama sa Calatagan, Batangas. Dito nga sa Maynila pinatigil agad ang MRT at LRT at nag-inspeksiyon muna sila bago muling pinatakbo ang mga tren.

Sinuspinde rin ang fligths ng ilang eroplano hanggang hindi natitingnan ang mga runway. Talagang matindi ang lindol na iyon.

Ang pinatsitsismisan naman kasi namin ay ang mga sex scandal ng mga male star na pinagkakaguluhan ng mga bading sa isang social media plat form at ibinebenta naman ng iba sa kanilang mga kapwa bading.

Makikita mo ang kanilang alukan, lahat ay nagsasabing “avail ka na” at hindi biro-biro ang presyo ha, mas mahal pa sa Vivamax.

Ang katuwiran nila sa mga scandal ay totoong sex ang makikita, samantalang iyong galing sa mga indie, ‘staged” lamang, puro arte.

Bagama’t ang maugong ngayon ay iyong sex scandal ng isang model starlet, kuha nga lang daw iyon sa indie kaya hindi masyadong mabili. 

Ayon sa mga trader, ang hinahanap pa rin daw ngayon ng mga collector ay iyong sex video ng isang poging model noon na nai-video ng kanyang manager, at ang mga video ng poging doktor na kasama ang

kanyang mga girlfriend.

Kaya raw mabili iyon hanggang ngayon, kasi nga ang lumabas noong araw ay mga malalabong analog videos lamang, ngayon digitally enhanced na ang mga kopya kaya mas malinaw at maganda pa ang kulay.

Nabibili pa rin daw iyon ng hanggang P1K bawat isa samantalang ang ibang scandal na bago, mga P300 lang at kailangan mga 20 na iyon.

Pero bakit nga ba hindi pa yata nagsasawa ang mga tao sa mga malalaswang panoorin samantalang may nag-video streaming na ng mga soft porn na pelikula? Sa tingin nila iyong kahalong trivia ng mga scandal na iyon ang dahilan kung bakit interesado ang mga tao at willing magbayad ng mahal, after all pagdating ng araw ay mapag-usapan pa rin iyan at maipagyayabang nila na mayroon silang magandang kopya.

Iyon naman daw mga soft porn na indie na inilalabas sa video streaming, napipirata pa rin pala. Nalagay ang mga iyon sa mga CD at ibinebenta pa rin sa Quiapo. Marami naman kasi na hindi techie at hindi nga sanay sa internet streaming at may iba rin namang gustong mapanood iyon sa mas malaking screen.

About Ed de Leon

Check Also

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang taon na rin ang nakararaan, may isang abogado na …

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira, inaming may naramdaman sa isa’t isa sa shooting ng Chances Are You and I

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INAMIN ni Kelvin Miranda na na-confuse siya sa naramdaman noon …