Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eat Bulaga its showtime

It’s Showtime kalmado sa pagpasok ng Eat Bulaga sa noontime slot 

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI naman daw pumalag ang It’s Showtime at maging ang ABS-CBN, nang sabihin sa kanilang delayed telecast na lang sila  sa TV5 dahil papasok ang original na Eat Bulaga sa noontime slot.

Una, hindi naman sila makakapalag dahil tapos na ang kanilang blocktime agreement sa TV5, ikalawa bilang blocktimer alam nilang ang masusunod diyan ay iyong network. Isa pa, ang pasok ng TVJ sa TV5 ay hindi lang dahil sa Eat Bulaga, isa na silang production company na gagawa rin ng content para sa network at sa iba pa. Mahirap nang banggain iyan dahil gaya ng ABS-CBN, content producer na rin sila. Maaari nga raw nilang i-revive ang dati nilang top rating show na Iskul Bukol.  Marami pa silang maaaring gawin, kasi noon pa rin naman sila nagpo-produce talaga. May tiwala rin sa kanila ang ibang mga artista kaya madali nilang makausap. May pruweba na rin sila kaya may tiwala rin sa kanila ang advertisers. Iba talaga iyong may experience.

Hindi naman nila inawat ang Showtime na magpatuloy ng noontime sa kanilang social media channels at sa cable, ganoon din sa Zoe TV. Pero ilalagay nga sila sa ibang oras ng TV5. Hindi naman sila makaaalis sa TV5, kailangan nila ng free tv audience na hindi naman nila makukuha sa Zoe TV dahil isa lang ang provincial station niyon sa

Palawan pa. Eh ang TV5 mas maraming provincial stations kaya mas maraming makakapanood sa kanila at kailangan nila iyon para makumbinsi ang mga advertiser  na pumasok sa kanila. Ang basehan pa rin kasi hanggang ngayon ay ang reach ng free tv, hindi namn ang nanonood sa internet. Ang umaangal lang naman ay ang mga troll  nila. Papansinin ba nila iyon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …