Saturday , May 24 2025
Paolo Contis

Paolo Contis suwerte, 3 anak ‘di obligadong sustentuhan

HATAWAN
ni Ed de Leon

SA pagpapakasal ni LJ Reyes sa kanyang boyfriend na si Phillip Evangelista, libre na naman si Paolo Contis sa sustento sa

anak nilang si Summer. Kung sa bagay, talaga naman yatang walang ibinibigay na sustento si Paolo sa kanilang anak ni LJ. Ang tingin namin diyan, iyong sustento ni Paulo Avelino sa kanyang aak kay LJ napakikinabangan din ng anak ni Contis.

Hindi ba ganyan din ang sitwayon ni Lian Paz na naanakan niya ng dalawa, wala ring sustento, kaya nang makapag-asawa si Lian ang dalawang bata ay parang inampon na lang ng kanyang asawa, lusot na naman sa sustento si Contis. Suwerte niyang si Contis tatlo na ang anak, pero hindi siya obligadong magbigay ng sustento.

Suwerte rin siya sa mga naaanakan niya, ingat lang baka sa susunod mapiga na siya. Aba dapat mag-isip na rin ang babae. Baka aanakan lang siya tapos basta may nakita na namang iba, iiwan siya at bahala na siya sa anak nila.

Aba eh, kung mangyayari uli iyan ang masasabi namin ay napakatanga na

niyong babae. Nakita na niya na dalawang beses nang nangyari pinatulan pa niya.

Wala naman tayong pakialam sa buhay nila, pero ang sinasabi lang namin iyan ay hindi magandang halimbaa. Huwag ninyong gagayahin.

About Ed de Leon

Check Also

Andre Yllana Jomari Yllana

Andre ‘di kailangang magpaalam kay Jom sakaling magpapa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales SINO ba naman ang makalilimot sa mga hubad na larawan noon …

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

RATED Rni Rommel Gonzales SUCCESSFUL ang kauna-unahang FAMAS Short Film Festival kamakailan sa Music Museum sa Greenhills, …

Ashley Ortega PBB

Ashley nabiyayaan ng maraming project pagkalabas sa Bahay Ni Kuya

RATED Rni Rommel Gonzales NAGING housemate si Ashley Ortega sa loob ng tatlong linggo sa Bahay Ni …

Toni Co

Produ ng Ikalawang Ina nag-P.A. muna bago nag-artista

MATABILni John Fontanilla BAGO pinasok ang pag-arte, naging production assistant muna si Toni Co ng …

Pia Wurtzbach Jauncey Jeremy Jauncey

Pia ayaw nang gamitin ang apelyidong Wurtzbach

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang nagulat at nagtaka na ‘di na ginagamit ni 2015 Miss …