Thursday , June 4 2026
Joshua Garcia

Joshua walang yabang sa katawan kahit sikat at mayaman 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGSISIMULA pa lamang siya ay sinasabi na ni Joshua Garcia na hindi siya galing sa isang mayamang pamilya, kaya noong magkahiwalay daw ang kanyang mga magulang, naiwan pa siya sa isang tiyuhin niyang pari na siyang nagpa-aral at nagpalaki sa kanya. Kaya noong isang araw nang tanungin siya ng King of Talk na si Boy Abunda ng, “ngayon mayaman ka na?” Buong kababaang loob na sumagot ang aktor, “Mayaman po sa pagmamahal.” 

Palibhasa nga ay palaki ng isang pari at nakuha pa siguro ang tradisyon at kaugalian ng mga Batangueno, kaya ganoon kababa ang loob ni Joshua sa kabila ng tagumpay na kanyang tinatamasa. Iyan ang napuna namin sa batang iyan, walang kayabang-yabang, na kung iisipin marami na siyang maaaring ipagyabang.

Kung iisipin kayang-kaya nang bumili ni Joshua ng mga branded at mamahaling damit at gamit, at mayroon naman siya ng mga iyon. Kailangan din naman siyang pumorma dahil sa kanyang propesyon, pero hindi siya iyong nagyayabang kung gaano kamahal niya binibili ang mga gamit niya. Alam na naman ng mga tao iyon, bakit pa nga ba niya ipagyayabang?

Mapapansin mo rin sa batang iyan kung paano niya igalang ang mga nakatatandang artista at kasama sa trabaho, kahit na sa totoo lang ay mas sikat siya sa mga iyon.

Iyang ganyang klase ng tao ang dapat na sumikat kasi nga hindi mayabang. Marami riyan, nagsisimula pa lamang, mga wala pang pangalan, wala pang napatutunayan pero ang yayabang. Makikita mo sa social media at ipinagyayabang nila ang mamahalin nilang gamit.

Makikita mo kung paano sila magwalwal at lustayin ang kanilang pera sa mga bar kung gabi. Kung iisipin ano nga ba ang pakialam natin eh pera naman nila iyon, kaya lang makikita mo ang kayabangan, tapos matutuklasan mo kaya lang pala marami ang pera “suma-sidedline ng wala sa ayos.” 

Wala na tayong pakialam doon pero ang masasabi nga natin, kung mayroon mang dapat na hangaan iyong mga kagaya ni Joshua, na nananatiling mababa ang loob.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …