Thursday , June 1 2023
Martin Romualdez ABS-CBN Teleradyo

Sa Pagsalo sa naluluging Teleradyo
ROMUALDEZ MAGIGISA SA SARILING MANTIKA

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG panalo ang ABS-CBN sa deal nila sa GMA 7, mas panalo pa sila sa deal nila sa Prime Holdings. Ipinasa nila sa Prime Holdings ni Speaker Martin Romualdez ang 60% ng nalulugi na nilang Teleradyo

Sila ang mananatiling may control sa 40%. Siyempre lalabas na dahil mas may alam sila sa estasyon ng radyo, sila pa rin ang magpapatakbo ng estasyon. Ibig sabihin, mga tauhan nila ang magtatrabaho, kaya sabihin mang ang Prime Holdings ang may hawak ng majority shares, sila pa rin ang may control. Habang nalulugi ang ABS-CBN, nalulugi rin ang Prime Holdings. At sa hatian ng kita, lamang ang ABS-CBN, dahil ang

suweldo ng mga tauhan nila, manggagaling din sa kita. Kung titingnan mong mabuti mukhang magigisa ang Pime Holdings sa sariling mantika. 

At dahil speaker of the house at pinsang buo pa ng presidente, maaari nilang isulong na makakuha silang muli ng prangkisa, hindi lamang para sa dzMM kundi maging sa kanilang tv station. Iyong provisional permit na ibininigay ng NTC sa AllTV, tapos na rin ngayong 2023, maaari nilang bawiin ang Channel 2. Wise move talaga iyang makipag-sosyo sila sa Prime Holdings para sa Teleradyo, dahil lalabas na hindi naman kikita iyon kung hindi nila mababawi ang DZMM.

Wala pa ring gumagamit ng frequency ng dzMM.

Mahirap pangunahan, hindi natin alam kung ano ang mangyayari, pero sa nakikita nating deals ng ABS-CBN noong mga nakaraang panahon, ewan.

Bakit kaya hindi naisip ng Prime Holdings na mgbukas na lang ng sarili nilang estasyon, kung makakukuha rin naman sila ng prangkisa nila kaysa saluhin nila ang isang naluluging estasyon na baka mag-backfire pa sa kanilang political agenda kung sakali. Hindi pa nga sila nagsisimula kung ano-anong kuwento na ang nairinig namin eh.

Isa pa, mukhang hindi wise na sumalo ng isang bumagsak nang estasyon ng radyo.

About Ed de Leon

Check Also

Eat Bulaga Dabarkads

TVJ, Eat Bulaga nagbabu na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGPAALAM na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba …

Bruce Roeland Vic Sotto

Newbie star ‘di makapaniwalang makakasama si Vic Sotto

RATED Rni Rommel Gonzales IN shock pa rin ang guwapong Sparkle star na si Bruce Roeland dahil kasama siya …

Jake Cuenca

Jake Cuenca nagkakasakit na sa dami ng trabaho

RATED Rni Rommel Gonzales NANININDIGAN si Jake Cuenca na loveless pa rin siya hanggang ngayon. Bida sina …

Romnick Sarmenta Ice Seguerra

Romnick fun experience ang mahalikan si Ice Seguerra

ni Allan Sancon MATAPOS manalo bilang Best Actor ni Romnick Sarmenta sa 1st Summer Metro Manila Film Festival sa …

Sunshine Cruz Unbreak My Heart

Sunshine napa-Naku po Lord, Ayoko nang tanungin sa lovelife 

KUNG dati’y open si Sunshine Cruz sa mga nagaganap sa kanyang buhay-pag-ibig ngayo’y alumpihit na siya sa …