Wednesday , July 24 2024
GMA7 ABS-CBN

Kapamilya mas nakinabang sa kolaborasyon sa Siete 

HATAWAN
ni Ed de Leon

PURING-PURI ng mga taga-Madre Ignacia ang kanilang co-production venture sa dati nilang kakompitensiyang GMA 7. Natural dahil kahit na anong tingin ang gawin mo sila ang panalo sa nasabing deal. Una kung sila lang ay hindi na sila makagagawa ng ganoong proyekto. Hindi na nila kayang gumawa ng ganoon kalaking proyekto dahil hindi naman nila maibebenta. Wala silang prangkisa at kung ilalabas lang sa cable, internet at hindi high rating stations, aba eh mura lang ang commercials doon. Hindi sila makababawi. Eh iyang ang show ay ilalabas sa Channel 7 na napakataas ngayon ng commercial rate.

TiyaK na kikita sila bukod pa nga sa nakatitiyak silang may manonood ng kanilang serye. Sabihin man nilang mahusay ang kanilang produksiyon dahil wala naman silang mapaglabasang malakas na estasyon ay hindi naman sila masyadong napapanood. Bukod doon, nabibigyan nila ng magandang trabaho ang kanilang mga tauhan, at dahil malaki ang budget ng show, malaki rin ang kinikita. Kung doon sa iba nilang ginagawa na maliit lang ang kita, natural mas mababa rin ang bayad nila sa kanilang mga tauhan. Naalaska pa ng ilan sa kanila ang mga tao sa Kamuning. Natural inis sa kanila ang mga tao sa Kamuning dahil pumasok sila sa teritoryong iyon at nawalan ng trabaho ang mga original doon. 

Isipin ninyo iyong mga nagtiyaga sa Kamuning ng mahabang panahon, bigla na lang nilang pinasukan, ano nga ba ang iisipin ng mga iyon?

Para kasing minenos sila nang pumasok ang mga taga-Madre Ignacia sa Kamuning. Hindi lamang naman ang mga gumagawa ng serye, pati mga executive nabawasan din ang papel nang magtakbuhan doon ang mga executive na pinag-retire na, o laid off nang mawala ang prangkisa ng Ignacia. Ikatutuwa ba naman ng kahit na sino ang ganoon?

Ang alam namin may ilan sa kanila na nag-resign na lang kaysa ma-under ng mga dati nilang kalaban. Basta kami wala na kaming pakialam diyan, dahil ngayon pagkatapos ng Voltes V pinapatay na namin ang tv dahil bawal na sa amin ang magpuyat.

About Ed de Leon

Check Also

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

Gary Valenciano Inspired

Gary Valenciano pinakaba ang netizens sa black & white poster

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang matawa ni Gary Valenciano sa naging reaksiyon ng netizens sa black and …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

blind item

Bagong gay series bokya, ‘hindi kinagat 

HATAWANni Ed de Leon AY sorry, mukhang hindi kinagat ng mga bading iyong isang bagong …