Wednesday , July 24 2024
Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male personality naloko sa casino kaya panay-panay ang pasada

ni Ed de Leon

NAKATAWAG ng pansin ang isang male personality sa pamamagitan ng internet. Pogi naman siya at maganda ang katawan, kaya nga kinuha siya ng isang noontime show para sa isang contest nila noon. Hindi naman siya nanalo pero dahil napanood nga sa tv, mas dumami ang fan base niya kaysa noong sa internet lang siya. Mas

napansin siya ng ibang tao, lalo na nga ng mga bading.

Nagkaroon ng tsismis na nakikipag-date daw siya sa mga bading for a fee. Tapos nawala at ang sabi sumakay daw sa barko, at kasama sa mga sumasayaw doon at nagbibigay ng entertainment sa mga pasahero. Tapos mas matindi ang tsismis, pumapatol na raw siya sa mga matrona at kahit na sa mga bading na nababagot na sa mahabang biyahe sa barko kaya marami siyang pera.

Kaso inaabot din siguro siya ng pagkabagot kaya nagka-casino siya sa barko kaya ubos din ang pera niya. Pagdating niya rito ni wala siyang pambayad sa inuupahan niyang condo, kaya pasada na naman siya sa mga bading at matrona, anong buhay nga ba ang pinasok niya?

About Ed de Leon

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa  pagpapa-sexy ay …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Nora Aunor Maricel Soriano Alden Richards

Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards

ni ROMMEL GONZALES TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the …

Kumu

KUMU  top live streamers  ng SM Agency gustong pasukin ang showbiz

MATABILni John Fontanilla MAGANDA ang bawat kuwento ng  ilang top live streamers ng  SM Agency na umatend …