Thursday , June 4 2026
dead

Sikat na aktor daw ‘pinatay’ ng vlogger sa balita

HATAWAN
ni Ed de Leon

MINSAN natawa na lang kami sa isang vlogger. Malungkot daw ang industriya dahil sa pagkamatay ng isang sikat na aktor. Pinanood naman namin dahil gusto naming malaman kung sinong sikat na aktor nga iyong namatay. Ang haba ng video kung ano- ano na ang sinabi. Hindi naman binabanggit kung sinong aktor iyong namatay. Sa ending binanggit din kung sino iyong sinasabi niyang sikat na aktor. Ni hindi namin kilala. Minsan sa hangad nilang mapalaki ang audience nila, lahat ng klaseng pambubudol ginagawa na niyang mga vlogger na iyan. Kaya hindi nagtagal, bumagsak din ang kredibilidad nila. Ang mga kuwento nila kasi sobra-sobra.

Kamakailan, inatake sa puso si Gardo Verozosa, sa kuwentong nakita namin namatay na. Nakarating din pala kay Gardo na pinatay na siya sa isang blog, kaya nag-post din siya sa social media na buhay na buhay pa siya. Iyan ang sinasabi namin, wala silang responsibilidad eh. Kasi hindi naman sila kilala. Puro naman sila alyas, walang gumagamit ng totoong pangalan. Basta basa na ang papel mag-iiba lang sila ng pangalan at ayos na naman. Paano ngayon mabubuo ang kredibilidad ng mga blogger/vlogger bilang tagapaghatid ng balita? 

Mabilis nga sila, mabilis din namang maghatid ng mali.

Mabuti naman iyan para sa amin, dahil  nagbabalik na ang mga tao sa pagbili ng mga lehitimong diyaryo, kasi gusto nila ng totoong balita. Lumakas lang naman iyang mga blogger/vlogger noong pandemic, hindi makalabas ang mga tao para bumili ng diyaryo. Marami ring dyaryo ang tumigil dahil wala ngang bumibili, hindi makalabas ng bahay eh. Noong normal na ang lahat, nagbabalik na sa dati. Hindi sila naka-maintain  dahil sa mga fake news na sila rin naman ang nagkakalat. Kung hindi lang dahil sa mga fake news nila, baka sila na nga ang tuluyang namayani  sa pagbabalita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …