REALITY BITES
ni Dominic Rea
KABARKADA at katropang celebrities ang invited ni Direk Cathy Garcia-Molina sa katatapos lang nitong simpleng beach wedding kay Louie Sampano na ginanap sa Zambales. Kasama Rito sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa agawan ng bride’s bouquet at groom’s garter, pinalad man o sinadyang sina Kath at Daniel ang nakasalo nito, bonggang pinag-uusapan na ito ngayon ayon na rin sa isang video.
Ayaw pa ngang itodo-lagay above the knee ni Daniel ang garter kay Kathryn kaya naman pinutakti ng kantiyaw ang aktor at napabungisngis na lang si Kathryn.
Simbolo na raw ba ito na susunod na sa pagpapakasal sina Daniel at Kathryn?
Ayon naman kay Karla Estrada, tuwang-tuwa siya noong makita ang viral video at sinabi nitong tanging sina Kath at Daniel ang makapagsasabi kung kailan nila gustong magpakasal at kung ano-ano ang magiging plano nila sa buhay. Nasa tamang edad naman daw ang dalawa.
Halatang sa komento ni Karla ay handa na rin ito para sa kaligayahan ng kanyang anak.
Well, ang maganda rito, both parties o parents ay sumusuporta sa dalawa mula noon hanggang ngayon.
Susunod na ba talaga sina Kath at DJ? What year kaya? Saan?