Thursday , June 4 2026
ABS-CBN bldg

ABS-CBN building wawasakin na

HATAWAN
ni Ed de Leon

GIGIBAIN na raw ang lumang building ng ABS-CBN at pamamahalaan iyon ng Rockwell? Narinig na namin iyan bago pa magkaroon ng pandemya. Huwag sabihing mangyayari iyan dahil nabigo nga silang makakuha ng prangkisa.

Bago magkaroon ng pandemya, sinimulan na nila ang pagtatayo ng mga modernong studio sa San Juan del Monte, at nabalita nang doon itatayo ang production studios ng ABS-CBN. Tutal, sinasabi nila magiging madali na ang pagpunta roon dahil sa itinatayong LRT 7, at malaki ang lupain ng mga Lopez doon. Noon nga sinasabing sa tabi ng ABS-CBN ay magtatayo pa sila ng isang theme park, na gaya ng ginawa ng Universal Studios pero ang featured ay mga show na pinasikat ng ABS-CBN.

Katunayan nagsimula na sila ng ilang attractions noon sa Trinoma, para ma-test nila ang market na hindi rin naman masyadong lumakas kaya nasara rin, bago pa yata ang pandemya.

Iyang property nila sa Esguerra Avenue, sinasabing tatayuan ng mga condominium units ng Rockwell, at sa isang bahagi na lang ilalagay ang kanilang news operations, dahil hindi naman maaari sa SJDM pa ang news nila, napakalayo sa sentro.

Noon pa iyang planong iyan. Hindi na bago iyan sa pandinig namin. Hindi rin iyan dahil sa nawalan sila ng prangkisa. Talagang iyan ang plano nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …