HATAWAN
ni Ed de Leon
KAHIT na ano ang sabihin ngayon ni James Reid, damay siya sa bashings laban kay Hope, iyong dating Liza Soberano. Ewan kung totoo, pero si James ang itinuturong nag-impluwensiya sa kanyang dating sikat na talent kaya nagsalita nang padaskol-daskol.
“May pattern eh,” sabi nila. “Hindi ba si Nadine Lustre ganyan din ang sinasabi laban sa Viva noong araw nang kinukuha nila riyan sa Careless Whispers ba iyon? At iyong pinagsasabi ngayon ni Hope na dating Liza ay walang ipinagkaiba.”
Dahil diyan lalong nalulubog si James. Lugi na nga ang musicfest niya sa Cebu dahil binagyo, cancelled na siya sa US at Canada dahil wala halos ticket sales, tapos ganyan pa ang mangyayari.
Paano na ang sariling career ni James, mukhang lalo lang siyang mababalolang.
Sa ngayon, walang maipagmamalaki si James. Wala siyang pelikula kahit na isa, Wala siyang natuloy na tv series. Ni hindi siya halos makitang guest sa mga tv show, kahit na sa UNTV lang. Bagsak ang career niya, tapos nasisisi pa siya sa nakitang kamalditahan ng kanyang talents.Naku ewan kung saan pupulutin iyang si James
pagkatapos nito. Mukhang ang makapagliligtas lang sa kanya ay ang Viva
na siya ring nagligtas kay Nadine Lustre. Kahit na sa Vivamax, tumanggap na siya ng project, kaysa naman iyang ganyan na lahat ng plano niya bagsak.
Kasi naman eh, ewan kung totoo, ipinagtitirik daw siya ng kandilang itim na hugis tao sa tabi ng simbahan ng Quiapo.