Thursday , June 4 2026
Boy Abunda Vilma Santos

Boy Abunda ‘di nakababagot panoorin kahit 4 na oras nagdadadaldal

HATAWAN
ni Ed de Leon

PANAY pasalamat ni Ate Vi (Ms Vilma Santos) sa King of Talk na si Boy Abunda, dahil kahit na lumipat na iyon sa GMA 7, tinupad pa rin ang commitment na siya ang magho-host ng 60th anniversary special ng Star for All Seasons na ilalabas ng ABS-CBN.

Matagal na iyang commitment at saka isang magandang pagkakataon din para sa akin na gawin ang tribute na iyon,” sabi naman ng King of Talk.

Napanood namin iyong Anim na Dekada, Nag-iisang Vilma, ng buong apat na oras noong i-tape nila iyon sa Dolphy Theater. Taped as live iyon, at magugulat ka, walang cue cards, walang teleprompter, talagang nagtatanong si Boy kung ano ang lumabas sa kanyang utak, na sinasagot naman ng Star for all Seasons. Hindi kailangang mabilis ang bibig, lalong kailangan ang mabilis na pag-iisip sa ganyang sitwasyon, at tama si Ate Vi wala ngang makagagawa ng ganoon maliban kay Boy. Para ano nga ba’t tinawag siyang King of Talk kung hindi ganoon.

Pinag-uusapan nga namin, lahat ng mga lalaking naging talk show host. O sabihin na nating lahat ng mga naging talk show host, sino ba ang tumagal nang ganyan maliban kay Inday Badiday, na siya namang nagsimula ng showbiz talk show sa telebisyon. Pero maging si Badiday ay may kinukumbidang guests para magtanong at magkaroon ng forum, hindi gaya ni Boy na siya lang talagang mag-isa, at nakakaya niya.

Mahirap magdadaldal nang isang oras at mai-hold mo pa rin ang audience, pero ang King of Talk, noong kapanayamin niya ang Star for all Seasons, napanood namin ng apat na oras na buo at hindi kami nabagot.

Tito Boy has his ways,” ang nasabi lang ng producer na si Chit Guerrero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …