Thursday , June 4 2026
Luis Manzano Flex fuel

Sa mga ‘naloko’ ng Flex Fuel
CEO AT TOPMAN ANG HABULIN AT ‘DI SI LUIS

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON pinalalabas pa nilang si Luis Manzano ang wanted sa NBI dahil sa reklamo ng ilang investors ng Flex Fuel, ganoong hindi pa man sila nagsisimulang umangal, hiningi na ni Luis na imbestigahan ng NBI ang kompanya noon pang Nobyembre ng nakaraang taon, at umalis na siya sa kompanya noon pang 2001.

Bakit hindi kung sino ang top man at CEO ng kompanya ang kanilang habulin at si Luis ang kanilang pinag-iinitan, eh iyong tao nga nawalan din ng P66-M sa nasabing deal at biktima ring kagaya nila.

Ang tanging pagkakamali lang ni Luis ay sobra siyang nagtiwala sa isang kaibigan niya simula noong mga bata pa sila. Pero noong makahalata siya, kumalas na rin siya agad kahit hindi pa niya nababawi ang kanyang puhunan.

Tapos ngayon palalabasin pang wanted si Luis? Hindi naman nagtatago iyong tao. Hindi naman siya fugitive. Naghahabol nga rin siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …