Thursday , March 30 2023
Sunshine Dizon Ryza Cenon Gabby concepcion Sanya Lopez

Gabby lucky charm nina Sunshine, Ryza, Sanya  

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG sabihin nga nila, isa si Gabby Concepcion sa pinakasikat talagang actor sa Pilipinas. Sino ba ang mag-aakalang matapos siyang mawala ng 13 taon sa Pilipinas, dahil sa isang kasong hindi naman niya kasalanan kundi nadamay lang siya, ay makababalik pa siya sa dati niyang popularidad?

Hindi agad-agad, para siyang nagsisimula ulit. Pero nakatutuwa naman na nakabalik siya sa dati niyang popularidad at higit pa. May isang bagay pa siyang napatunayan, na kahit na sino ang itambal sa kanya, makakaya niyang dalhin. Hindi naman ganoon kalaking star noong araw si Sunshine Dizon, at lalo naman si Ryza Cenon, pero nang makasama nilang dalawa si Gabby sa isang hit afternoon series, biglang taas din ang kanilang popularidad, at siguro nga mas malaki pang stars ngayon kung hindi nga lang napaso ang franchise ng ABS-CBNna nilipatan nila noon.

Sino ba ang makapagsasabing maaaring leading lady si Sanya Lopez, pero matapos ang dalawang seryeng kasama si Gabby, star na rin si Sanya on her own. Ibig sabihin, naroroon pa rin ang lakas ni Gabby sa publiko.

Pero hindi dapat panghawakan iyan nang husto. Hindi dahil sa ganoon kalakas si Gabby dapat na niyang isugal ang kanyang career sa paggawa ng mga proyektong ang kasama ay kung sino-sino. Dapat pag-aralan niya ang lahat ng kanyang gagawin. Baka kung may makabatak sa kanya pababa, hindi na siya maka-remate ulit. Kailangang ingatan niya ang kanyang career dahil may mga anak pa siyang maliliit.

Kailangan ngang pangalagaan nang husto ang kanyang career at nagsisimula iyan sa kung anong proyekto na gagawin niya at kung sino ang makakasama niya.

Cuidado!

About Ed de Leon

Check Also

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …

Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller nanligaw ng babae

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang rebelasyon ni Krista Miller na siya ay nanligaw na ng babae. …

Kathryn Bernardo Dolly de Leon

Kathryn bibida sa A Very Good Girl kasama sa Dolly de Leon

MA at PAni Rommel Placente INANUNSIYO ni Kathryn Bernardo sa ABS CBN Star Cinema YouTube noong Lunes, na gagawa …

Andrea Brillantes Ricci Rivera BlackPink

Andrea sa promprosal kay Ricci — ako po dapat dahil ako yung artist ng Star Magic

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa …

Lai Austria

Model, vlogger ‘di kayang magpakita ng kahubdan

I-FLEXni Jun Nardo HINDI kayang magpakita ng maselang parte ng katawan ang model, content creator, …