Saturday , July 27 2024
James Reid Wavy Baby

1st day ng music fest ni James libre, venue lumubog sa putik   

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAWAWA naman si James Reid, dahil iyong kanilang nakuhang venue sa Mandaue sa Cebu ay inulan nang husto at puro putik ang paligid at paano ka nga naman magkakaroon ng concert sa ganoong lugar, eh lulubog sa putik ang mga manonood. Ginawa naman nila ang lahat ng kanilang makakaya, truck-truck na graba ang kinuha nila para itambak sa lupa, pero lumulubog pa rin sila sa putik.

Dahil doon, napilitan si James mismo na gumawa ng announcement na iyon ngang first day ng kanilang music festival ay libre na para sa mga manonood. Pinayuhan din niya ang mga manonood na magsuot ng bota at kapote dahil halos walang tigil ang ulan. Sinabi rin niya na ang nakabili ng tickets sa first day ay tatanggapin pa rin nila sa second day. Ganoon pa rin ang usapan, may libreng drinks. Pero mukhang iba ang gustong mangyari ng mga nakabili ng tickets, gusto nila ng refund. Ang mahal ng tickets eh, mayroon daw umaabot ng P40K, iyong VVIP. Ang pinakamura naman ay P4K. Basta nag-refund ang Careless Music ni James, bankrupt na sila niyan, dahil hindi naman puwedeng hindi nila  bayaran ang mga artist. Ang dami na rin namang ibang gastos, pero sino ba ang magsasabing magdadala ng ganoong ulan ang isang low pressure area lang naman.

May mga nagsasabi naman na kahit na hindi umulan, baka hindi rin masyadong kumita ang music festival dahil halos wala ring promo iyon kundi sa social media page lang ng Careless Music. Akala siguro nila dahil marami silang followers ay iyon na iyon.

May nagsasabi pang baka blessings pa ang ulan dahil kung hindi baka mag-perform sila sa iilang audience lamang. Pero ok pa rin si James. Hindi niya kinansela ang show, ginawa pa niyang libre. Kung kinansela niya iyon, maaaring bayaran na lang niya ng kalahati ang mga performer para sa hindi natuloy na show. Pero nangangahulugan iyon na baka hindi rin sila bayaran ng buo ng kanilang mga sponsor.

Kawawa naman si James, laging mali ang timing.

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …