Thursday , April 18 2024
Roderick Paulate

Kuya Dick pwede pang umapela sa CA at SC

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKIKIUSAP si Roderick Paulate na huwag “pag-fiestahan ang kaso ko.” Matapos na mahatulang guilty ng Sandigang Bayan noong nakaraang linggo, hindi lamang sa lehitimong media kundi lalo na nga sa social media na kung ano-ano pa ang sinasabi. Masakit iyong mga sinasabi nila lalo na nga’t masasabi naman siguro natin na ang totoong layunin ni Kuya Dick ay matulungan lamang ang siyam na taong iyon na walang hanapbuhay. Mahirap na lang magdamay ng iba pero ganyan naman talaga ang kalakaran at nangyayari hindi lamang sa kanya, iyon lang siya ang natiyempuhan.

Idinidiin din nila na maaari siyang makulong ng 62 years, na hindi namam posible. Maaaring iyon nga ang itinakda ng hatol ng Sandigang Bayan, pero ano na ba ang edad ni Kuya Dick? Siya ngayon ay 62 na at kung susundin ang batas, kung maganda naman ang kanyang record kung sakali, pagdating niya ng 70, laya na rin siya. Hindi pa rin naman siya makukulong agad ngayon, dahil ang desisyon ng Sandigang Bayan ay maaari pa niyang iapela, at tiyak na iaapela sa Court of Appeals. Maaari pa siyang umapela hanggang sa Korte Suprema, at ilang taon  pa ang aabutin bago lumabas ang final decision.

Kaya kung iniisip ng kanyang mga kalaban na babagsakan ng langit at lupa si Kuya Dick, hindi naman siguro mangyayari ang ganoon, at kailangan din nating isipin na maaaring nagkamali nga siya, pero gaano naman karami ang mga kabutihang nagawa niya para sa kanyang kapwa na mukhang hindi na nila binibilang.

Kung sa bagay, iyan ang risk ng pagpasok sa public service. Hindi ka na nga kumikita dahil magkano lang ba ang suweldo ng isang konsehal, at ang daming humihingi ng tulong sa iyo araw-araw. Tapos makakasuhan ka pa, ganoong mas marami ang mas malala ang ginawa na hindi nakasuhan.

About Ed de Leon

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Rachel aminadong mas mahirap magpasikat ng kanta ngayon

RATED Rni Rommel Gonzales NATANONG namin si Rachel Alejandro sa kung ano ang malaking pagkakaiba ng music …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Gringo Honasan Ferdinand Topacio Baby Go

Sen Gringo isasapelikula ang buhay

I-FLEXni Jun Nardo NAKATAKDANG gawan ng Borracho Film Production ang buhay ni former Sen Gringo Honasan na hindi pa …