Saturday , July 27 2024
Jake Cuenca

Jake tunay na aktor, walang kailangang patunayan

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG kailangan siyang maghubad at magpakita maging ng kanyang private parts, maaari siyang pumayag bilang isang actor, pero iyon ay kung talagang kailangan sa istorya, at hindi masasabing gagawin lang niya para maging “come on” para kumita ang pelikula.

Ganoon ang statement ni Jake Cuenca, na pumayag na ring makipag-lips to lips sa isang lalaki sa pelikula niyang My Father, Myself. Napapayag siya dahil una, iyan ang kanyang kauna-unahang festival movie na siya ang bida. Ikalawa, nagustuhan niya ang kuwento ng pelikula nang ipabasa sa kanya ang script. Ikatlo, aminado siyang humahanga siya sa mga obra ni direk Joel Lamangan. Ikaapat, hindi nga maiiwasang magamit ang eksenang iyon sa publisidad dahil iyon ang may bahid ng controversy, pero hindi iyon ang main point ng promo kundi ang content at kung paano ginawa ang pelikula.

In fact noong interview para kay Jake, bahagya lamang napag-usapan ang kissing scene na iyon, at ang iba pang maiinit na eksena. Kasi ang punto ng tanungan, ano ang kanilang maipanlalaban na binigyan nga sila ng R-18 classification, na ang maliwanag na ibig sabihin, limitado ang kanilang audience at hindi sila mailalabas sa

ibang sinehan.

Si Jake naman, nagpa-sexy na iyan noong araw eh. Hindi nga ba’t siya ang isa sa inaabangang models noon sa isang underwear fashion show ng isang local garment manufacturer, pero nagpa-sexy lang siya, wala siyang ginawang kahalayan. Hindi siya gaya ng iba na gumagawa ng sex video. Hindi rin naman iyon makalulusot sa manager niyang si Neil de Guia, relihiyosong tao rin iyon eh. At saka ano pa ba naman ang kailangang patunayan ni Jake, ngayon lang siya naging bida pero kinikilala na siyang isang actor.

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …