Monday , March 4 2024
Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Legal team ni Vhong naging kompiyansa

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON ay lumalabas na affected pala at nag-aalala ang hindi lang isa kundi tatlong pamilya ni Vhong Navarro, ngayong papasok na siya kasama ng ibang mga preso sa city jail, matapos ang isang linggo niyang quarantine.

Inamin ni Bianca Lapus na unang naging asawa ni Vhong na ang kanilang anak na si Yce, na college graduate na rin pala, ay apektado sa pagkakapasok ni Vhong sa city jail. Ganoon din daw ang anak niyang si Frederick, na anak naman ng komedyante sa isa pang naging girlfriend, at siyempre ang kanyang asawa ngayong si Tanya kung kanino may dalawa naman siyang anak.

Lahat daw sila ay nananalangin na sana naman may lumabas na resolusyon ang korte na payagan iyong makapag-piyansa na para sa Pasko ay makasama naman niya ang kanyang pamilya.

Siguro nga masasabing naging kompiyansa ang legal team noon ni Vhong dahil dinismiss ng piskalya ang kaso, at nagtagumpay pa silang ang maipakulong ay sina Deniece Cornejo at Cedric Lee. Hindi nila akalain na ganoon ang magiging pasya ng CA, kaya nakulong si Vhong. Ngayon nagkukumahog sila para mapiyansahan man lang muna siya, pero walang dudang apektado si Vhong at ang kanyang mga pamilya.

About Ed de Leon

Check Also

Jon Lucas

Jon Lucas ayaw padehado

RATED Rni Rommel Gonzales HIGHBLOOD na naman malamang ang viewers sa mga plano ni Calvin …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle at Derrick happy na extended ang Makiling

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI lang viewers ang masaya sa good news na extended ang Makiling dahil …

Dingdong Dantes Marian Rivera Jose and Marias Bonggang Villa 2.0.

Marian buntis na naman

TABLES have turned dahil from real to reel, magiging mommy and daddy na rin ang Kapuso royal …

Mia Japson Sunkissed Lola JK Labajo

Sunkissed Lola, JK Labajo idolo ng baguhang singer

MATABILni John Fontanilla VERY talented ang baguhang singer na si Mia Japson na alaga ng kaibigan naming …

Coco Martin Sandaran Park

Sandara at Coco pinag-uusapan proyektong pagsasamahan

MATABILni John Fontanilla NASA bansa ngayon ang KPop artist na si Sandaran Park para sa promotion ng …