Thursday , June 4 2026
Aljur Abrenica AJ Raval

Aljur umamin relasyon kay AJ

HATAWAN
ni Ed de Leon

IBA na ang statement ngayon ni Aljur Abrenica. Kung noon wala siyang pakialam, at hindi man nagbigay ng statement ay parang inamin niyang syota nga niya si AJ Raval matapos na makipag-hiwalay sa asawang si Kylie Padilla, ngayon ay iba na ang tono niya. Bagama’t sinasabi niyang walang kasalanan si AJ, at siya lang ang may kasalanan.

Inaamin na rin niyang mali ang pakikipaghiwalay niya kay Kylie. Kasabay niyon inamin na rin niyang mali pati ang kanyang tangkang paglayas noon sa GMA, at inaming naging masamang impluwensiya sa kanya ang ilang nakapaligid noong araw, pero wala na raw ang mga taong iyon sa kanya.

Siguro nga nasulsulan lang iyang si Aljur noon, at ang katuwiran niya ngayon, bata pa siya noon at napaikot siya ng ilang taong naging masamang impluwensiya sa kanyang mga desisyon.

Doon naman sa kaso nila ni AJ, iyon naman at pati ang nanay niyon ang unang umamin ng kanilang relasyon. Alam naman natin iyon. Bakit kaya sila nag-split?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …