Wednesday , June 24 2026
Martin Nievera M4D Concert

Martin Nievera ‘di natibag sa 40 taon

HATAWAN
ni Ed de Leon

IBANG klase talaga si Martin Nievera. Iyong ibang entertainers, ni ayaw nilang mababanggit kung ano ang naging palpak sa kanilang career. Nagagalit sila basta sinabi mong may panahong bumaba na rin ang kanilang popularidad. Pero si Martin, na magkakaroon ng concert bilang celebration ng kanyang ika-40 taon bilang entertainer, sa Solaire sa Sabado, Nobyembre 19, inamin ang lahat.

Inamin niyang nagsimula siya sa ibaba talaga, na ang royalty na natatanggap sa bawa’t plaka niya ay 4 centavos lamang. Tumabo nang husto ang Vicor diyan dahil naging hit ang kanyang unang album. Kaya pagkatapos daw niyon, ang royalty niya ay ginawa nang P1.

Kahanay na siya ng malalaking singers noong kanyang panahon.

Una naming napanood si Martin sa Penthouse Live ng Channel 7, na siyang pumalit doon sa Penthouse 7.Nagsimula ang show noong 1982, pero nang muling mabuksan ang ABS-CBN, lumipat sila roon, dahil ang producer mismo ng kanilang show, si Freddie Garcia ay nakuha rin ng ABS-CBN at naging presidente pa nga ng kompanya. Sila naman ay pinalitan ng Shades ni Randy Santiago.

Noong mga panahong iyon, ang mga plaka ni Martin ay top seller ng Vicor, at kahit na tingnan ninyo ang sales record, siya ang may pinakamataas na benta sa lahat ng mga magkakasabay nilang singers. Isipin din ninyo kung gaano katibay ang career ni Martin, after 40 years, may concert pa siya at may bumibili ng tickets na nagkakahalaga ng P13K , samantalang iyong mga kasabayan niya ay wala na. Marami ang lubog na. Kung may mga naiiwan pa, hindi na rin ganoon kasikat.

Pero iba si Martin eh. Kasi sinasabi nga niya, sa bawat performance ay may natututuhan siyang bago. Sa bawat pambabatikos sa kanya ng mga kritiko may natututuhan siya. Kahit sa bashers hindi siya nagagalit, at sinasabi niyang binabasa niya at pinag-aaralan kung ano

ang makukuha niya para mas mapahusay pa ang kanyang performance.

Kaya ngayon naman, siya pa rin ang Concert King, at gusto niyang patunayan iyan sa M4D, ibig sabihin ay “Martin 4 decades.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …