ni Ed de Leon
UMIIWAS na ang isang young male starlet sa isa niyang “kaibigan” dahil nagiging wise na raw iyon at hindi na niya mabola.
Hindi na niya mahuthutan. Mayroon na siyang bago ngayong “palabigasan.”
Iyon lang takot naman siya sa dati niyang “kaibigan” dahil marami raw iyong hawak na “resibo” ng kanilang naging relasyon.