Wednesday , May 29 2024
Korean heart finger hand

Showbiz industry nai-invade na ng Korean

HATAWAN
ni Ed de Leon

ITONG mga tv network, hindi lamang tinatangkilik ang mga seryeng Koreano, kundi nagpo-promote pa sila ng mga artista at kulturang Koreano. May mga contest pa silang ginagaya ang mga artistang Koreano. Gumagawa pa sila ng mga grupong bagama’t Pinoy ay ginagaya ang sayaw at musika ng mga Koreano.

Bakit nga ba hindi ang kultura at mga artistang sariling atin ang kanilang pinagsisikapang pasikatin sa sarili nating bayan?

Kung iyong mga sugalan ay na-invade na ng mga Tsino nang pumasok ang POGO. Ang showbiz industry ay na-invade na ng mga Koreano.

Wala nang natitira sa mga artistang Filipino kundi ang mahahalay na pelikula na pang-internet na lang.

Iyang mga sinehan naman natin, sino pa ang manonood eh napakamahal ng admission prices? Puwede bang makapanood ka lang ng sine at tiisin mo na lang ang kumakalam mong sikmura?

Iyong matatanda namang singers, pinipilit na sila pa rin ang magco-concert, na nagagawa nila dahil sila rin ang may-ari ng mga management companies nila. Nahaharang nila ang mga baguhan. Kaya panay din ang concert dito ng mga Koreano sa atin.

Dapat nga siguro, dapat na silang mag-isip ng artists’ welfare.

About Ed de Leon

Check Also

Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y …

Alfred Vargas FAMAS

Alfred sa sobrang saya FAMAS trophy ginawang unan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “TOTALLY unexpected,” ito ang unang nasabi sa amin ni Alfred Vargas nang tanungin …

Lala Sotto MTRCB

PVL ipinatawag ng MTRCB, code of ethics babalangkasin

SUPORTADO ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang hakbang ng Premier Volleyball League (PVL) na bumalangkas ng …

Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo …

tiktok

Mga artista naisasantabi dahil sa mga Tiktokerist 

I-FLEXni Jun Nardo PISTA ng Holy Trinity kahapon sa lugar namin sa Balic-Balic, Sampaloc. Kaya …