Saturday , July 27 2024
Blind Item, Mystery Man, male star

Male starlet ‘pumayag’ sa manager, direktor, aktor kapalit ang pagsikat 

ni Ed de Leon

INAMIN ng isang male starlet na nakasama ngayon sa isang internet series na BL o gay oriented internet feature, na naging biktima rin siya ng kanyang manager at director. “Pumayag” daw siya sa gustong mangyari ng manager niya dahil sa pangakong ipapasok nga siya sa isang BL series. Hindi dahil sa pera kaya siya “pumayag,” kundi

dahil naniwala siya na magiging daan iyon para siya sumikat at maging totoong artista. Naipasok naman siya, pero bit role lamang ang ibinigay sa kanya ng director, at nahalata niya tapos na iyon.

Hanggang nilapitan siya ng isang tao sa set, interesado raw ang isa sa mga lead actor sa nasabing BL sa kanya. Interesado rin daw si direk.

Kinausap nga siya ng dalawa at sinabing isasama siya sa “part 2” kung “papayag” din siya sa kanila. “Pumayag” na naman siya, at isinali nga siya sa part 2.

Ang tanong niya talaga raw bang ganoon ang kalakaran? Aba kung papayag siya sa lahat magka-project lang siya, baka naman ma-TB na siya niyon.

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …