Monday , November 28 2022
Cesar Montano Sunshine Cruz

Sunshine natawa sa pagbubuntis at pagpapakasal muli kay Cesar

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATATAWA na lang si Sunshine Cruz sa kumakalat na tsismis na umano ay buntis siya at desididong magpakasal ulit sa dati niyang asawang si Cesar Montano. Nagsimula ang mga tsismis nang biglang maging visible si Cesar sa birthday ng kanilang mga anak, na nasundan naman ng mga balita ng kanyang pakikipag-split sa naging boyfriend na si Macky Mathay. Dahil sa walang ibinigay na mga dahilan, naglabasan na ang sari-saring espekulasyon.

Una, nilinaw ni Sunshine na hindi siya buntis. “Sino ba ang makabubuntis sa akin eh wala naman akong nakakatabi.” 

Tungkol naman sa sinasabing makikipagbalikan siya kay Cesar, sinabi ni Sunshine na mukhang malabo iyon.

“Kung kami ay may plano pang magbalikan, hindi na siguro kami gumastos at nagpakapagod  para makakuha ng annulment. Alam naman ninyo ang hirap at laki ng gastos para makakuha ka ng annulment dito sa atin. Marami kang kailangang patunayan. Hindi lang kami ang nag-uusap, kailangan pa ang isang psychiatrist. At napakahaba ng proseso na pinag-uusapan ninyo ang mga bagay na masyadong personal sa harap ng maraming tao. Public hearing iyon eh.

“Hindi lang iyong pagod at gastos, iyong kahihiyan na ang personal ninyong buhay ay nauungkat pa. Para gawin ninyo iyon, decided na kayong hindi na magbabalikan ulit. Isa pa ayokong maging unfair. Ano ang mangyayari, iiwan niya ang kasama niya ngayon? Hindi rin puwede iyon dahil tatlo na ang anak nila, at maliliit pa. At least ako noong makipaghiwalay ako, at dinala ko ang mga anak ko, sigurado ako na kaya ko silang buhayin dahil sa career ko. Eh kung hindi paano?” sabi ni Sunshine.

So talagang wala?

“Wala talaga,” patapos pa niyang sabi.

About Ed de Leon

Check Also

Lovi Poe

Lovi Poe Supreme actress ng ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPREME Actress ang taguri ngayon kay Lovi Poe. Mapa- live shows, mediacons, …

Sama-Samang Tinig ng Pasko Christmas Chorale Showdown TV5

Sama-Samang Tinig ng Pasko tampok sa Barangay Christmas Chorale Showdown ng TV5

MAS pinabongga at pinasaya ang Christmas campaign ng TV5 ngayong taon dahil sa inaabangang Sama-Samang Tinig ng Pasko …

SPEEd EDDYs Nominees

Ika-5 edisyon ng The EDDYS eeksena na ngayong gabi sa MET;
sino-sino ang tatanghaling pinakamagaling?

MAGKAKAALAMAN na ngayong gabi kung sino-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa larangan ng paggawa at pagbuo …

Plus Size Fashion Stream

Philippine Plus Size Fashion Stream, makatuturan at ibang klaseng pagrampa ang hatid

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG klaseng pagrampa ang magaganap sa Dec. 28, 2022 sa Okada …

Kiko Estrada AJ Raval Angeli Khang US X HER 2

AJ, Angeli, at Kiko, nagrigodon sa US x Her ng Vivamax

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPASOK sa  ibang klaseng sitwasyon sina AJ Raval, Angeli Khang, …