Thursday , December 1 2022
bts

BTS sikat pa rin kaya pagkatapos ng kanilang military service?

HATAWAN
ni Ed de Leon

PAPASOK na sa mandatory military training and service ang mga member ng BTS, kaya sinasabi ng kanilang management firm na maghihiwa-hiwalay muna ang mga miyembro ng banda at muling magsasama sa 2025 pagkatapos ng mandatory military training nila. May umiiral na batas sa South Korea na ang lahat ng lalaki pagsapit sa wastong edad ay kailangang mag-aral ng military service.

Pero kung magsasama silang muli sa 2025 pa, malabo na iyan. Una, lampas na silang lahat sa matinee idol age pagdating ng panahong iyon. Nakita rin naman natin ang epekto niyan sa popularidad ni Rain, na sikat na sikat hindi lang sa Korea kundi maging sa US. Noong pumasok sa military service, nawala sa paningin ng mga tao. Nang magbalik siya wala na ang kanyang dating popularidad.

Hindi ba ganyan din naman ang sinapit ni Lee Min Ho, na dati kung ituring ay isang superstar sa buong Asya. Nawala at noong magbalik, iba na.

Hindi naman namin sinasabing siguradong pagbabalik nila ay bagsak na ang BTS pero iyon ang malamang na mangyari. Isipin ninyo, tatlong taon silang mawawala, at sa panahong iyan, hindi maaaring walang makapasok na iba.

Ganyan lang naman ang buhay talaga ng mga artist.

About Ed de Leon

Check Also

Jake Cuenca Dimples Romana Sean de Guzman Tiffany Grey

Dimples pinuri ang pagiging propesyonal ni Sean

MA at PAni Rommel Placente ISA sa official entry sa darating na MMFF 2022 na magsisimula sa December …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Sean de Guzman Jake Cuenca Len Carillo Joel Lamangan Dimples Romana

Sean de Guzman bonus sakaling manalong Best Actor sa MMFF 2022

MATABILni John Fontanilla HINDI umaasang mananalo ng acting award si Sean De Guzman sa husay na ipinakita …

Angela Morena Stefanie Raz Micaella Raz

Angela wa keber suportahan ang kapatid

KITANG-KITA namin ang suportahan ng magkakapatid na Angela Morena, Stefanie Raz, at Micaella Raz sa pelikulang Bata pa si Sabel ng Vivamax na …