ni Ed de Leon
MALI ang tsismis. Isang baguhang male star ang itsinitsismis nilang siguro nga ay “suma-sideline” dahil halos tuwing weekend ay nakikita iyon sa isang watering hole sa Taguig na kilalang “pick up” place rin ng mga bading. Iyong mga pogi na naka-istambay doon, pag-uwi nakasakay na sa kotse ng bading.
Pero iba pala ang baguhang male star, kasi siya sa pag-uwi, may poging nakasakay sa kotse niya. Kaya sa aminin man niya o hindi
bading siya. Pero may palusot pa rin, iyon daw mga nakakasama niya ay tropa lang niya.
Pero hindi ba ganoon talaga, “tropa-tropa.”