Monday , June 24 2024
R’Bonney Gabriel Miss Universe USA

FilAm beauty queen hinahataw ng intriga

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON lang nagkaroon ng Fil-Am beauty queen sa US, si R’Bonney Gabriel, na siyang nanalong Miss USA at magiging kinatawan nila sa Miss Universe na gaganapin sa Enero sa New Orleans.

Pero binabanatan ng iba ang Fil-Am beauty queen at sinasabing mukhang “yari” ang pagkakapili sa kanya bilang Miss USA.

Ano iyan parang mga movie award din sa Pilipinas? Kasi raw kapapanalo pa lamang ni Bonney ay marami na agad lumabas na commercials na siya ang endorser. Pero ang paliwanag naman ni Bonney, hindi pa talaga siya nananalo kinuha na siyang endorser ng mga kompanyang iyon, at  nang manalo nga natural sinamantala nilang ilabas agad ang mga commercial nila.

Pero nakatatawa iyan ano. Rito sa Pilipinas, ang apelyido ng mga beauty queen ay Gray, Wurtzbach, at kung ano-ano pa na bali-baliktarin mo man hindi mo masasabing Filipino. Pero sa USA, ang panlaban nila sa Miss Universesi R’Bonney Gabriel.

Kaya sa Miss Universe sa Enero, ang aabangan naming manalo ay si Miss USA.

About Ed de Leon

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

E-Sim TNT

Pag-order ng E-Sim ng TNT mas pinadali at pinabilis

MAGANDANG balita sa mga TNT subscriber dahil mas pinadali nila ang paraan para maka-order ng e-SIM, ito’y …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

The EDDYS Binibining Pilipinas

Binibining Pilipinas tinapatan The EDDYS

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, iyon daw coronation ng Binibining Pilipinas ay gaganapin din sa Hulyo …