Saturday , July 27 2024
Robin Padilla drug test

Robin tinugunan panawagang drug testing

HATAWAN
ni Ed de Leon

SUMAILALIM na sa drug testing si Sen. Robin Padilla, kasunod ng tinutulan niyang panukala ni Cong. Ace Barbers na gawing mandatory para sa mga artista ang drug testing, kasunod ng pagkakadampot kay Dominic Roco sa isang buy bust. Ginawa siguro niya iyon bilang tugon din sa kanyang hamon na huwag artista  lang ang isailalim sa drug testing kundi pati ang ibang professionals kabilang na silang mga politiko.

Kung iisipin mo nga naman, mas nakahihiya iyong may namumunong addict sa bayan kaysa sinasabing artistang may bisyo, at hindi nila maikakaila na may mga nakaupong politiko na kung hindi man ngayon, minsan ay naging addict din.

Iyang panukalang iyan sa house ay tinutulan ng Film Academy of the Philippines (FAP) na pinamumunuan ni Rez Cortez. Ganoon din ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Tirso Cruz III, na nagsabing hindi lang unfair at labag sa kanilang human rights ang mandatory testing ng mga artista. Dagdag na gastos pa iyan para sa producers samantalang hindi pa nakababangon ang industriya matapos ang sunod-sunod na lockdown na tuluyang pumatay dito. Napakalaki na nga ng tax sa pelikula na kung susumahing lahat ay umaabot na sa 52% ng kabuuang kita, ngayon madadagdag pa iyang gastos ng mandatory testing kung sakali.

Pero kung magagawa nilang batas ang mandaroty testing sa lahat ng Filipino, anuman ang trabaho, at may salapi ang gobyerno para maging libre ang drug testing, at kung nakahanda silang humarap na naman sa isang kaso ng paglabag sa human rights sa ICC, eh di sige ituloy ninyo iyan.

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …