Saturday , November 26 2022
Krystall Nature Herbs
Krystall Nature Herbs

Dahil sa trabahong panggabi  
NAGKASAKIT NA STRIKER NG ESCORT GIRLS UMINAM SA KRYSTALL HERBAL OIL, NATURE HERBS & CPC

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Lina Alano, 48 years old, naninirahan sa Pasay City.

               Dati po akong manggagawa sa isang electronic company pero noong magsara nagtinda-tinda ako sa palengke, pero hindi nagtagal naubos din ang maliit na puhunan — lalo sa kasagsagan ng lockdowns dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

               Nitong lumuwag ang panahon, nagkaroon po ako ng sideline, naging ‘striker’ o errand girl po ako ng mga ‘escort ladies.’

               ‘Yan po ang tawag sa mga  babaeng nagtatrabaho sa club. Kapag may kailangan po silang bilhin, ako ang pinabibili nila. Mas madalas PA nila ako as in alalay at tagabantay ng mga gamit nila sa locker room.

               Dahil gabi ang trabaho nila ganoon na rin ang nangyari sa akin. Pero hindi po naging maganda ang epekto sa kalusugan ko. Madalas na tumataas nag blood pressure ko, at may mga panahon na mababa naman — kaya madalas nahihilo ako. Bukod diyan, may ubo akong hindi nawawala at nilalagnat sa gabi.

               Noong magpa-laboratory test ako, hayun, bawal na ako magpuyat at ang daming resetang gamot.

               Isang kaibigan ang nagsabi sa akin na subukan kong gumamit ng Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs. Kasi nga raw po, hindi naman lahat ng masamang pakiramdam ay kailangang uminom agad ng gamot.

               Sinubukan ko nga po. Tuwing bago matulog ay nagpapahaplas ako ng  Krystall Herbal Oil. Tuwing pagkatapos kong kumain ay umiinom ako ng Krystall Nature Herbs, at sinubukan ko rin mag-CPC (Carrot, Patatas, at Camote).

               Sa loob ng isang buwan nakita ko po ang kakaibang sigla at kulay ng aking mukha. Naramdaman ko rin na hindi na ako madalas mahilo, at maayos na rin ang pagtulog ko.

               Lahat po ‘yan ay natutuhan ko sa pagbabasa ng kolum ninyo at pakikinig sa programa ninyo. Mula nang sinabi sa akin ng kaibigan ko ang tungkol sa inyong ‘miracle oil’ at back-to-basics na panggagamot naging masugid na ninyo akong tagasubaybay.

               Muli, maraming, maraming salamat po.

LINA ALANO

Pasay City

About Fely Guy Ong

Check Also

Loiegie Dano Tejada Ms Ls Beauty

Ms L’s priority ang good health ng mga Pinoy

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na grand opening ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation …

Krystall Herbal Oil, Fely Guy Ong, FGO

Kulugo sa paa tanggal sa Krystall Herbal Oil 

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong,                Ako po …

BONDS by IQOS Philip Morris

Para sa smoke-free future
PMI NAGLUNSAD NG ABOT-KAYANG HEATED TOBACCO

INILUNSAD ng Philip Morris International Inc. (PMI) ang kanilang bago at abot kayang heated tobacco …

Ms L's Beauty & Wellness Corp 

Dating make-up artist may sarili nang negosyo at kompanya 

MA at PAni Rommel Placente NAKAUSAP namin ang isa sa owner ng Ms. L’s Beauty & …

Jeric Gonzales Urban Revivo

Store opening dinumog

COOL JOE!ni Joe Barrameda AFTER niyang daluhan ang intimate presscon ng Broken Blooms ay dinaluhan naman niya …