Saturday , July 27 2024
Eraserheads concert huling el bimbo

Ely Buendia ayaw makipagtrabaho kay Marcus
REUNION CONCERT NG EHEADS BAKA ‘DI MATULOY

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG mai-indulto pa rin ang sinasabing concert ng Eraserheads sa December. Maliwanag kasi ang kondisyon ng kanilang soloist na si Ely Buendia na hindi siya sasali sa concert dahil ayaw niyang makipagtrabaho sa kanilang lead guitarist na si Marcus Adoro na inireklamo ng dalagita niyang anak at ng female star na si Barbara Ruaro ng pananakit at verbal abuse. Sinabi ng dalagitang si Syd Hartha na bukod sa pananakit, pinagsasalitaan siya nang masama ng ama kahit na sa harap ng ibang tao.

May panahon din namang nagreklamo ang dating girlfriend ni Marcus at nanay ni Syd na si Barbara na siya ay biktima rin ng pananakit. Bagama’t hindi niya binabanggit na ang gumawa niyon sa kanya ay si Marcus. Matagal na rin naman silang hiwalay, at ngayon nga si Barbara ang girlfriend at live in partner ni Romnick Sarmenta. May isa na rin silang anak.

Iyang sinasabing reunion ng disbanded nang Eraserheads ay matagal nang hinihintay ng fans. Gumawa kasi ng announcement noon si Ely na magre-reunion sila sa  isang concert kung mananalo ang ikinakampanya niyang si Leni Robredo. Nang matalo iyon, wala na, pero umingay ngang muli na magkakaroon ng reunion concert sa MOA Concert grounds sa December, na tinawag pa nilang Huling El Bimbo, batay sa isa nilang hit song.  Isa pa raw sa mga producer ng concert ay si Alden Richards pero dahil nga sa naging problema ni Marcus sa kanyang anak, mukhang malabo. Bukod kay Ely, sinasabing may isa pa silang kasama na ayaw ding makipagtrabaho kay Marcus kung hindi maaayos ang problema.

Sinabi naman ni Marcus na matagal na niyang hindi nakakausap si Syd, hindi niya alam kung nasaan na iyon. Gusto rin daw niyang makausap para magkaayos sila. Humingi siya ng dispensa sa kanyang anak, sa mga sponsor, at mga kasama sa banda na naapektuhan ng mga pangyayaring iyon.

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …