Saturday , July 27 2024
Vhong Navarro Deniece Cornejo

Vhong aapela hanggang SC; Deniece magpapakatatag

HATAWAN
ni Ed de Leon

HANGGANG Korte Suprema ay nakahandang umapela ang legal team ni Vhong Navarro kung hindi ire-reverse ng Court of Appeals ang desisyon ng mababang hukuman na ikulong ang aktor sa kasong rape nang walang bail. Talaga namang walang bail ang kasong rape, pero kung sa tingin ng korte ay mahina ang depensa ng prosecution, maaari silang magtakda ng piyansa para sa kasong iyon, lalo na nga’t ang supect ay isang kilalang tao at hindi naman basta makatatakas.

Hanggang ngayon, pending pa rin ang apela ng legal team ni Vhong sa CA, kaya naipatupad pa ang utos ng RTC ng Taguig na ikulong siya nang walang bail, pero suwerte na rin siya na nalagay siya sa NBI

Detention Center at hindi sa city jail. Tiyak na mas maayos ang kanyang kalagayan sa NBI detention center.

Samantala naglabas naman ng statement si Deniece Cornejo sa pamamagitan ng kanyang social media, matapos ding tumanggi sa lahat ng interview at nagsabing, “kung ako instrumento para maging ehemplo sa mga kababaihan na maging matatag sa naabuso, nasasaktan at napagsasamantalahan, paglalaban ko at paninindigan,” sabi niya.

May nagtatanong, bakit daw ngayon pa pumutok iyan eh 2014 pa iyan at makailang ulit na ngang pinawalang bisa ng piskalya. Iyon ay dahil nanatiling buhay ang kaso, dahil matapos iyong dispatsahin ng piskalya at DOJ, isinampa nga nina Cornejo ang kaso sa CA at ngayon lamang lumabas ang desisyon niyon na walang karapatan ang piskalya na i-dismiss ang isang kaso ng rape at hindi paabutin sa hukuman, kaya inutusan nila ang mga hukuman na umaksiyon, at isampa sa mga iyon ang kaso na kinakitaan nila ng sapat na dahilan para maisampa sa hukuman.

Iyon naman ang tinututulan ng legal team ni Vhong.

Ito ay isang running legal story at malalaman lang natin ang katotohanan oras na ang lahat ng ebidensiya ay mailabas na at napagtibay ng korte. Sa ngayon wala tayong magagawa kundi ireport lamang ang mga pangyayari.

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …