Thursday , September 29 2022
James Reid

James magpapogi uli para umangat ang career

HATAWAN
ni Ed de Leon

ALAM ba ni James Reid na ang isa sa dahilan kung bakit sumikat siya nang husto noong una ay dahil pogi siya? Totoo iyan ha, kaya siya pinagkaguluhan ng fans noong una pa ay dahil pogi siya, maporma ang katawan niya, at kahit na hindi siya masyadong matangkad, ok na iyon.

Kung iisipin nga ninyo eh, matagal na iyang si Nadine Lustre sa Viva, hindi naman  masyadong pansin. Noon lang makatambal niya si James kaya siya umangat, kasi nga pansinin ng tao si James dahil sa hitsura niya.

Nagkasunod-sunod na ang kanilang mga proyekto, na bagama’t hindi naman kagandahan, kumikitang lahat dahil sa kanilang personalidad. Noong ihiwalay nila si Nadine kay James, hindi ba dalawang sunod na bagsak iyon?

Maliwanag na si James ang nagdadala ng love team, kasi pogi siya. Eh ngayong pinabayaan na niya ang hitsura niya, mababa rin ang kanyang career. Kung gusto niyang umangat ulit, magpa-pogi siya.

About Ed de Leon

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Xian Lim Genesis Gallios Vin Abrenica

Xian at Vin magbibigay-saya sa bday show ni Genesis

“CRUSH ko ‘yang si Xian. Si Vin naman alam mo naman ‘yung lalaking-lalaki, ang gwapo-gwapo, …

Ashley Aunor, PMPC Star Awards for Music

Ashley Aunor, inspirational ang latest single na Money Loves Me 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INUSISA namin ang talented na singer/songwriter na si Ashley Aunor kung …

Ava Mendez

Ava Mendez after maging sexy star, dream naman maging action star 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Ava Mendez sa limang naggagandahan at nagseseksihang babae na naging dyowa ni …