Thursday , June 4 2026
Piolo Pascual Kathryn Bernardo Jericho Rosales

Sure fire formula ikakasa
KATHRYN IPAPAREHA KINA PIOLO AT ECHO

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG paniniwalaan namin ang mga concept poster na inilalabas ng ABS-CBN, may isang malaking pelikula na namang gagawin si Kathryn Bernardo sa abroad, na may tentative title na Rome.

Sinusundan nila ang sure fire formula na ginawa nila kay Kathryn, mga pelikulang abroad ang setting na naging malalaking hits. Halos umabot sa bilyon ang kinita niyong Barcelona na pinagtambalan nila ni Daniel Padilla,ganoon din ang Hello Love Goodbye na ginawa naman nila ni Alden Richards sa Hongkong.

Pero iyang kasunod niyang pelikula, ang sinasabi, ang leading men daw ay sina Piolo Pascual at Jericho Rosales, na parehong mas may edad na sa kanya. Marami na rin ang ginawang pelikula na ang setting ay sa Rome. Una na nga riyan ay ang klasikong Roma na ginawa ng director na Federico Fellini noong 70s. Tapos noong 2018, mayroon na namang isang pelikulang ang title ay Roma na ang gumawa ay si Alfonso Cuaron. Drama rin iyon. Ano kaya ang ipagagawa nilang kuwento para kay Kathryn?

Marami ang nagsasabing mukhang mas sigurado sa box office kung gagawa na lang sila ng isang love story na ang bida ay ang KathNiel.

Talaga namang si Daniel ang pinakamalakas na leading man ni Kathryn, at napatunayan na iyan sa maraming pelikulang nagawa nila, kaya nga sila sumikat nang ganyan eh.

Pero siyempre, kanya-kanyang diskarte iyan. Ang magiging kaibahan nga lang niyan ngayon ay hindi mo masasabing kagaya nang dati, may malakas na tv network na back up ng kanilang mga pelikula. Ngayon malaking bagay iyong wala silang back up ng isang malaking network, dahil wala na ngang pangkisa ang ABS-CBN, at nakiki-block time na lang sa mas mahihinang estasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …