Saturday , September 24 2022
Nora Aunor Manny de Leon

Dating leading man ni Nora maayos ang buhay

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG isang gabi, may ipinadalang picture sa amin ang fotog na si Fernan Sucalit na nagtatanong tungkol sa naging leading man noong araw ni Nora Aunor na si Manny de Leon. Of course alam namin iyon at inabot namin ang panahong iyon. Tapos kinabukasan may nakita kaming post na naalalang birthday nga pala ni Manny, pero mali ang post kasi ang sabi ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel.

Ang tunay na pangalan ni Manny de Leon ay Manuel Enrico de Leon, kaya ang mga kaibigan niya kung tawagin siya ay Rico. Pero sa kanila ang tawag sa kanya ay “Boy.”

Sa huling narinig namin ok naman ang buhay ngayon ni Manny.

Medyo tumaba nga lang daw at siyempre nagka-edad na rin pero ok pa siya. Roon pa rin daw nakatira sa dating bahay nila sa Mandaluyong.

Naging recording artist din siya noong araw ng Alpha at may mga hit ding kanta. Nag-produce rin sila ng pelikula noon. Maganda naman ang buhay nila at hindi masasabing showbiz lang ang inaasahan nila.

About Ed de Leon

Check Also

Editor at kolumnista ng Hataw bibigyang parangal sa 3rd Asian Business Excellence Awards 2022 

MATABILni John Fontanilla BIBIGYANG-PARANGAL ng Asian Business Excellence Awards ang ilang natatanging indibidwal mula sa iba’t ibang …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Janice de Belen Inah Estrada Jake Vargas

Janice sa isyung buntis ang anak — Mahirap itago iyan dahil sa socmed

DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …