Saturday , June 22 2024
ABS-CBN congress kamara

Utang bayaran, pride ibaba
ABS-CBN TIYAK MAKABABALIK 

HATAWAN
ni Ed de Leon

PALAGAY namin, mahirap nga lang mangyari dahil napakalaking halaga ang kailangan, at saka iyong pride kasi umiiral eh, pero para wala nang problema at makabalik na nang tuluyan ang ABS-CBN, ay bayaran na lang nila ang lahat ng sinasabing utang nila sa mga financial institutions na na-restructure noon at ang sinasabing palusot nila, kahit na legal pa sa kailangang bayarang taxes.

Paulit-ulit na lang kasi ang akusasyon. Palagay namin kailangang magpakumbaba na rin sila sa mga grupong nasagasaan nila noong araw, na ngayon ay napakalakas ng lobby para huwag silang makakuhang muli ng prangkisa. Kung hindi, mananatili na lang silang content producer niyan.

Lahat naman ay nagsasabing makakakuha silang muli ng prangkisa, bayaran lang nila nang tama ang mga dapat bayaran. Pero

sabi nga namin, umiiral kasi ang pride na kung gagawin nila iyon, para nilang inamin na “nagpalusot” sila. Eh ano ba? Ang mahalaga ay makabalik sila.

Iyang tangka nilang pagbili ng shares of stocks ng ibang network, at siguro nga ay unti-unting pagsasalin niyon sa kanila ay sinilip din at ngayon ay naudlot pa, kaya ang pinaka-simpleng paraan diyan ay magpakumbaba na lang, huwag na iyong palaban Huwag na iyong umasa ng “people power” para makapagbukas sila, hindi nga sila nakaipon ng tao para mahadlangan ang pagpapasara sa kanila eh.

Iba na ang sitwasyon ngayon, Iba na ang style. Iyong minsan ay pinaka-makapangyarihan, at “Philippines’ largest network” ay magtatatlong taon nang wala. Noon sila ang may pinakamalakas na

transmitter, may pinakamaraming provincial stations, pero ngayon nakiki-block time na lang sa Zoe TV at sa TV5para mailapalabas ang shows nila. Bakit hindi nila subukang ayusin ang kanilang prangkisa nang may pagpapakumbaba?

Ang totoo, gusto rin naming magbukas ulit iyang ABS-CBN.

Gumawa lang sila nang kaunti pang pagbabago sa kanilang broadcasting style.

About Ed de Leon

Check Also

Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang …

CC6 Music Fest 2024

CC6 Music Fest 2024 aarangkada kasama ang Rocksteddy at Mayonnaise

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAKIPAG-RAKRAKAN, kantahan, at sayawan sa June29, 2024 kasama ang ilang …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Marian Rivera Balota

Marian intense ang aktingan sa Cinemalaya entry  

RATED Rni Rommel Gonzales SIGURADONG kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na  Balota. Makikita sa isang BTS photo …