Monday , June 24 2024
Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Naempatsong data analyst pinagaling ng Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Marlon Casanova, 38 years old, residente sa Muntinlupa City, data analyst sa isang malaking kompanya sa Ayala Alabang.

               Sa edad ko pong ito. kami ‘yung mga hindi naniniwala sa kung ano-anong ipinapahid sa katawan maliban sa lotion, o kung ano-anong iniinom mula sa mga organikong ingredients.

               Madalas sabihin ng mommy ko, magbaon ng Krystall Nature  Herbs para lagi akong ready. Puwede ko raw inumin tuwing after lunch para mailabas ang sobrang konsumo ng mga pagkaing nagpapataas ng cholesterol.

               Ang lagi ko lang sinasagot: “May mga gamot na para riyan, mommy, magtiwala ka sa modern science.”

               Pero paulit-ulit niyang sinasabi, wala nang mas iinam pa sa mga likas o alternatibong paggagamot lalo kung imbensiyon ni Sis Fely Guy Ong.

               Heto po, isang araw, nagkaroon ng selebrasyon sa aming opisina. Kahihintay sa food, nagutom na kami kaya noong dumating na, para kaming mga squammy na hindi nakakakain sa mahabang panahon. Iba-ibang food, gaya ng pork, lechon baka, sugpo, crab at marami pang iba kaya nilantakan na agad namin.

               Grabeng busog ko Sis Fely, kaya pag-uwi ko sa bahay agad napansin ni Mommy ang gatla-gatlang pawis sa aking noo. Ang tanong niya, “Naglakad ka lang ba?”

               Sabi ko, “hindi po, nabusog ako masyado, naempatso yata ako,” saka ipinaliwanag ko kung ano ang nangyari. Muntik pa akong magtampo kay mommy kasi hindi ko man lang nakitaan ng pag-aalala sa kanyang mukha.

               Sabi lang niya, “Wait, madaIi lang ‘yan.” Pumasok si mommy sa kuwarto niya at paglabas niya may dala siyang maliit na boteng may tatak na kulay green at ganoon din ang isang sachet na kulay green.

               Sabi niya, talikod ka saglit. Tapos hinaplos nang hinaplos ako ng oil sa likod. Mula sa unahan hanggang dulo ng spine. Mga 10 beses siguro, tapos sabi niya, ihaplos mo sa tiyan mo, mula sa sikmura palabas sa magkabilang gilid. Huwag ko raw itigil hanggang 15 minutes pero tantiya ko wala pang five minutes gumaan na ang pakiramdam ko, pero sinunod ko ang sabi ni mommy na 15 minutes.

               After no’n pinainom niya ako ng mainit na Krystall Nature Herbs at pamaya-maya pa, dumighay ako nang todo hanggang tuluyang makaramdam ako ng ginhawa at nakatulog ako.

               Ginising ako bandang madaling araw ng pangangailangang pumunta sa banyo. Umupo muna ako ng mga five minutes saka ako pumunta sa banyo. Hay napalaking ginhawa Sis Fely, dahil nakita ko na puro taba at langis ang inilabas ko. Kung hindi ko siguro nailabas ‘yun dagdag cholesterol na naman.

               Simula po noon, sinunod ko na ang payo ni mommy, nagbabaon ako ng isang sachet ng Krystall Nature Herbs na pinaghahati ko sa tatlong timpla. Grabe ang feedback ng officemates ko, ano raw ba ang sikreto ng pagliit ng tiyan ko.

               Sabi ko pag-usapan natin ‘yan. At mula po noon, sila man ay bilib na bilib na sa Krystall Herbal products.

Lubos na nagpapasalamat,

MARLON CASANOVA

Muntinlupa City

About Fely Guy Ong

Check Also

SM Fire Volunteers 1

BFP, DILG, and SM Prime empower communities through 1st fire volunteers assembly

In a demonstration of its commitment to community safety, the Bureau of Fire Protection (BFP) …

E-Sim TNT

Pag-order ng E-Sim ng TNT mas pinadali at pinabilis

MAGANDANG balita sa mga TNT subscriber dahil mas pinadali nila ang paraan para maka-order ng e-SIM, ito’y …

Krystall Herbal Oil

Kahit agrabyado sa imported rice
MAGSASAKA KALMADO SA KRYSTALL HERBAL OIL

Mahal naming Sis Fely Guy Ong,          Ako po si Gualberto Estopace, 62 anyos, isang …

Toni Gonzaga Alex Gonzaga Aqua Planet Resort

Toni ipinasara resort sa Pampanga

MATABILni John Fontanilla SOBRANG saya ng naging bonding ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex gayundin ng ibang miyembro …

Rhea Tan BB Pilipinas 2024 Beautederm

Beautéderm founder Rhea Tan pinagtibay partnership sa Bb. Pilipinas

PAGKATAAN ng matagumpay na partnership last year, masayang inanunsiyo ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ang panibagong partnership …