Friday , September 30 2022
Maid in Malacañang passes

Dr Bon ng FFCCCII nilinaw ‘di sila pinilit bumili ng MiM passes

HATAWAN
ni Ed de Leon

NILINAW ng mga negostang Tsino sa pamamagitan ng presidente ng kanilang samahan na si Dr. Henry Lim Bon, na hindi totoo ang kuwentong pinilit sila para bumili ng mga passes sa isang pelikula at ipamigay iyon para maraming manood ng sine. Inamin niya na marami naman talaga ang lumalapit sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. , at kung sa tingin nila ok naman, tinutulungan nila.

Hindi niya ikinaila na may lumapit din sa kanila para sa pelikulang Maid in Malacanang, at sinabing ang proceeds naman niyon ay ipapasa sa “nutribun program” na ipatutupad sa pagbubukas ng mga eskuwelahan. Naisip nilang maganda naman ang layunin, tumulong sila. Hindi lang nila akalain na ang pamimigay nila ng tiket sa sine ay mamasamain ng iba. Maaari naman kasing tanggihan iyon kung ayaw.

In the first place, ipinamigay naman nila iyon para sa mga estudyante ng eskuwelahan na ang mag-aaral ay mga Filipino-Chinese rin.

Siyempre nabigyan iyan ng kulay, dahil ang pelikula ay may bahid ng politika, at ang mga umaangal naman diyan ay mga oposition film makers ng mga pelikulang naghingalo sa takilya, o may pelikulang hindi mailabas sa sinehan. Pero palagay din naman namin walang masama sa kanilang ginawang marketing strategy.

Iyong isang oppositor nagkaroon din naman ng pelikulang ganoon din ang marketing strategy, hindi nga lang nakalusot. Pilitan man ang panonood, walang nakinig.

Iba-iba talaga ang marketing strategy ng mga pelikula o kahit na anong palabas. Pero depende iyan kung kakagatin pa rin ng mga tao. Gaya rin iyan ng stage plays na ipinalalabas sa eskuwelahan para siguradong may audience. Bahagi ng kanilang kita ay napupunta sa eskuwelahan na siyang magbebenta ng tickets nila. ‘Di ba ganoon din iyon?

About Ed de Leon

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …