Wednesday , May 29 2024
Mark Herras Nicole Donesa Mark Fernando

Mark ipinagpatayo ng bahay ang kanyang mag-ina

HATAWAN
ni Ed de Leon

TINGNAN ninyo ang buhay, noong nakaraang taon lamang ay naging kontrobersiyal si Mark Herras nang matalakan siya dahil umano sa pangungutang ng P30k na gagamiting pambili ng gatas ng anak niya at para sa ibang pangangailangan. Isipin ninyo, ikinompara pa siya sa isang kasambahay na may mas malaki pa raw naiipon sa banko.

Tahimik lang si Mark, pero ngayon ang balita ay ipinagpapatayo na niya ng isang modern house na titirahan nilang mag-asawa, si Nicole Donesa at para sa kanilang anak na si Corky.

Nagsikap si Mark para patunayan ang kanyang kakayahan na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.

Tiyak may manlalait na naman diyan at sasabihing ipinagpatayo niya ang anak niya ngayon, pero ang dalawa niyang anak na babae kay Lian Paz, hindi niya nasustentuhan. Pero hayaan na ninyo iyon. Huwag na ninyong pakialaman ang personal nilang buhay. Ang mahalaga nagsisikap ngayon si Mark para sa kanyang pamilya.

About Ed de Leon

Check Also

Eva Darren FAMAS

FAMAS nag-sorry kay Eva Darren matapos ma-snub, magreklamo ang anak

HUMINGI ng paumanhin ang pamunuan ng 72nd FAMAS awards sa veteran actress na si Eva Darren matapos na …

Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y …

Alfred Vargas FAMAS

Alfred sa sobrang saya FAMAS trophy ginawang unan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “TOTALLY unexpected,” ito ang unang nasabi sa amin ni Alfred Vargas nang tanungin …

Lala Sotto MTRCB

PVL ipinatawag ng MTRCB, code of ethics babalangkasin

SUPORTADO ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang hakbang ng Premier Volleyball League (PVL) na bumalangkas ng …

Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo …