Wednesday , May 29 2024
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Sa paglipat ng estasyon
MATTEO ISA LAMANG SA NAPAKARAMING HOST 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Alam ninyo, ang paniwala namin, hindi lamang mahusay na car racer iyang si Matteo Guidicelli kundi isang mahusay na actor. Aba eh noon eh napapanood namin siya sa isang serye sa telebisyon, at sa tingin namin mas mahusay siya kaysa tunay na bida sa seryeng si Enrique Gil. Action series kasi iyon, at lumalabas ang kanyang pagiging atleta.

Lumamig ang career ni Matteo matapos ang kontrobersiyal na kasal nila ni Sarah Geronimo. Una siguro nabawasan ang ilusyon ng fans sa kanya dahil may asawa na siya. Ikalawa, ang hindi magandang usapan at mga alitan pagkatapos ng kasal na iyon, nakaapekto sa kanya. Nasundan pa ng pandemic, hindi kumilos ang kanyang career.

Ngayon lumipat siya ng network, at magiging isa sa napakaraming co-host ng isang morning show. Ang makakasagupa niya roon ay puro beterano. Samantala si Sarah ay sinalubong na parang big star talaga sa ABS-CBN. Ano na ang kalalabasan ni Matteo?

Sayang magaling na artista pa naman.

About Ed de Leon

Check Also

Eva Darren FAMAS

FAMAS nag-sorry kay Eva Darren matapos ma-snub, magreklamo ang anak

HUMINGI ng paumanhin ang pamunuan ng 72nd FAMAS awards sa veteran actress na si Eva Darren matapos na …

Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y …

Alfred Vargas FAMAS

Alfred sa sobrang saya FAMAS trophy ginawang unan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “TOTALLY unexpected,” ito ang unang nasabi sa amin ni Alfred Vargas nang tanungin …

Lala Sotto MTRCB

PVL ipinatawag ng MTRCB, code of ethics babalangkasin

SUPORTADO ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang hakbang ng Premier Volleyball League (PVL) na bumalangkas ng …

Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo …