Friday , December 1 2023
Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na namatay sa edad na 59 dahil sa cancer. Hindi pa natatapos ang pagluluksa ng publiko kay Cherie, namatay naman ang

kampeon sa track and field na si Lydia de Vega Mercado sa edad na 57 dahil din sa cancer.

Talagang napakatindi niyang cancer hanggang ngayon. Basta tinamaan ka niyan magbilang ka na ng araw. Sa totoo lang wala pa kaming nabalitang nagkaroon ng cancer na gumaling sa kabila ng lahat ng mga modernong kaalaman sa ngayon.

Yumao rin naman si dating presidente Fidel Ramos, pero iyon siguro masasabing dapat na rin namang magpahinga. Marami na siyang nagawa, at sa edad na 94, bonus na ng buhay iyon. Ang ikinamatay naman niya ay komplikasyon sa Covid. Kung minsan magtataka ka, iyong mga taong ingat na ingat iyon pa ang tinatamaan ng Covid. Tingnan ninyo si Presidente BBM, naka- take two na. Pero iyong mga taong grasa sa kalyeBna marumi, walang hugas kamay, walang sustansiya ang kinakain, at ewan kung binakunahan ba wala tayong nababalitang tinamaan ng Covid.

Itong linggong ito puro mga namamatay ang laman ng mga balita, ganoon din sa abroad, pumanaw ang sikat na singer na si

Olivia Newton John sa edad na 73 at ipinagluluksa naman siya ngayon ng Hollywood.

Sa panahong ito, walang makapagsasabi talaga kung ano ang susunod na mangyayari. Talagang kailangan na lang magdasal tayo nang taimtim, at bahala na ang Diyos sa atin.

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Cervantes

Angelica Cervantes umamin tatlong taon ng may karelasyong babae

RATED Rni Rommel Gonzales IBA na ang panahon ngayon. Kung noon ay ang kabadingan lamang …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo parang isang buong flower shop ang ipinadala sa CEO ng Beautederm

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Bea Alonzo na unexpected ang pagkakabati nila ni Manay Lolit Solis sa birthday …

Jane de Leon Janella Salvador

Jane at Janella  aprub sa lesbian movie/ girl’s love series

MA at PAni Rommel Placente SA isang panayam kay Jane de Leon, inamin niya na nasa …

Lolit Solis Andrea Brillantes

Lolit Solis kay Andrea: pinaka-promising youngstar ngayon kaya crush ng bayan

MA at PAni Rommel Placente NAAAWA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis kay Andrea Brillantes dahil sa …

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

Andrea kaliwa’t kanan ang endorsements kahit nega

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoo ang nasagap namin, this 2024 daw ilalabas ang mga …