Thursday , October 6 2022
Jerome Ponce Sachzna Laparan Maid in Malacanang

Sa panonood ng katapat nilang pelikula
JEROME SINUSUPORTAHAN LANG ANG PELIKULANG FILIPINO 

HATAWAN
ni Ed de Leon

KINUHA nila si Jerome Ponce sa isang indie film tungkol sa martial law. Walang questions sa parte ni Jerome. Tinanggap niya ang project eh, ginawa naman niya nang mahusay. In fact nominated siyang best actor para sa pelikulang iyon, tinalo nga lang siya ng mismong director ng kanilang pelikula.

Siguro dahil hindi naman siya nanalo, at busy din naman siya, hindi na siya isinama sa mga theater tour at iba pang promo na ginawa sa pelikula. Halos nakalimutan na nga siyang banggitin na kasama sa pelikula eh.

Siguro nagkaroon siya ng bakanteng oras, at nagyaya naman ang kanyang girlfriend, nanood sila ng sine, pero hindi ang pelikula niya ang kanilang pinanood. Baka naman kasi napanood na nila iyon noong ilabas last year. Naipalabas na iyon eh, na-pull out nga lang sa sinehan dahil naglupasay sa takilya. Nagkataong paglabas ng sinehan, nag-selfie sila. Siguro naman bilang souvenir lang iyon ng isang pagkakataon na sila ay magkasama.

Aba nagputok ba naman ang butse ng mga Marites na hindi naman nakaranas ng martial law. Galit na galit at kung ano-ano ang sinabi laban kay Jerome. Tama ba naman iyon? Hindi ba dapat suportahan  nga natin ang pelikulang Filipino. Wala namang nagbabawal sa kahit na sinong artista na panoorin ang pelikula ng iba. Hindi ba mas maganda ngang nanonood siya ng pelikulang Filipino, kaysa gawa ng mga Kano, Tsino o mga Koreano?

Walang kuwenta iyang hate campaign na ginagawa ninyo. Tatlumpung taon na tayong puro hate campaign, kaya kita ninyo, hate na tuloy kayo ng ibang tao at kahit na sa eleksiyon isa lang ang lumusot sa inyo. Hanggang sa showbiz ba naman paiiralin pa ninyo ang hate campaign ninyo?

Sa kasong ito, kinakampihan namin si Jerome. Wala siyang ginawang mali.

About Ed de Leon

Check Also

Gene Juanich Once On This Island

Gene Juanich mapapanood sa Broadway musical na Once On This Island

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRANG tuwa ng singer/songwriter na si Gene Juanich dahil bahagi siya siya sa CDC Theatre’s regional Broadway …

Jeric Gonzales

Star Up PH malaking break kay Jeric

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG malaking break ang ibinigay at suporta ng GMA sa alaga naming si Jeric …

Floyd Mayweather AQ Prime 2

Floyd Mayweather walang balak mag-artista   

COOL JOE!ni Joe Barrameda LINGID sa kaalaman ng iba ay tahimik na dumating dito sa …

Genesis Gallios

Bagong production ni Genesis Gallios inilunsad 

MA at PAni Rommel Placente NAGING matagumpay ang birthday show/dinner ng tinaguriang Queen of the …

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …