Wednesday , April 17 2024
Silas Vicor

Vicor Music nagbalik dahil kay Silas

HATAWAN
ni Ed de Leon

IYONG isang malungkot na kanta, na sinasabi niyang ginawa niya noong panahon ng quarantine dahil sa Covid ay ginawan niya ng bagong treatment para maging pop, at iyon nga ang unang recording ng singer at songwriter na si Silas, na ngayon ay ini-launch na nga bilang pinakabagong recording artist ng Vicor Music.

Matagal nang hindi naglo-launch ng bagong artist ang Vicor Music, tutal nasa kanila naman ang isa sa pinakamalaking catalogue ng Philippine music, pero nang marinig nila ang musika ni Silas, nakumbinsi silang i-launch iyon.

Narinig na rin namin ang kanyang kantang Hauntingly at palagay namin magiging hit iyon hindi lang sa Pilipinas, after all  magiging available siya sa lahat ng music platforms na naa-access kahit na sa abroad.

Pero may isa pa. Twenty-one lang si Silas, at may hitsura.

Hindi rin malayong isang araw ay pagawin siya ng pelikula. Na siguro hindi naman niya tatanggihan kasi inaamin niya na noong bata pa siya, may ambisyon din siyang maging artista.

About Ed de Leon

Check Also

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Streetboys

Streetboys, Manoeuvres, UMD magsasama-sama sa isang concert

RATED Rni Rommel Gonzales NASA Pilipinas ngayon si Spencer Reyes, ang sikat na dancer na member …

Ina Raymundo Will Ashley Adolf Alix Jr

Will itinodo acting sa intimate scenes kay Ina

HARD TALKni Pilar Mateo X & Y.  Sa alphabet kahit nasa dulo, powerful na mga letra. Ginagamit …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …