Friday , August 12 2022
Maid in Malacanang

Mas feel sikat na artista
NETIZENS DEADMA SA AWARD

HATAWAN
ni Ed de Leon

ISANG bagay ang napatunayan natin nitong mga nakaraang araw, hindi na nga yata pinaniniwalaan ng publiko ang mga award, ganoon din ang sinasabi ng mga kritiko. Mukhang masyado na yatang napaso ang mga tao sa hayagang pamumulitika ng mga kritiko sa showbusiness kaya ganoon. Maliwanag naman kung ano ang gusto ng publiko, una ang mapanood ang isang pelikulang makakaaaliw sa kanila. Pangalawa mapanood ang mga gusto nilang artista.

Hindi namin sinasabing maganda ang isang pelikula kaya kumita, pero kung ang mga artista mo ay gaya nina Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Cesar Montano, pati pala ang nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada naroroon, si Elizabeth Oropeza at iba pa, maeengganyo kang manood kaysa naman doon sa isang pelikulang hindi mo kilala ang mga artista. Sabihin mo mang nanalo ng awards, hindi mo pa rin kilala.

Ang buhay ng isang pelikula ay nasa marketing strategy din. Hindi ka maaaring gumawa ng pelikula tapos ay magmamakaawa ka sa mga taong panoorin ang pelikula mo. Alalahanin mo na bawat maawa sa iyo ay malalagasan ng mahigit na P300 at sa ngayon ay hindi madaling kitain iyan. Kaya nga iyon ngang ibang producers, kahit na barya-barya lang ang kita, nagtitiyaga na lang sa internet lalo na’t hindi naman kilala ang kanilang artista. Minsan kilala nga, wala namang fans.

Siguro iyong mga ganyang pelikula na walang sikat na artista, maaaring makipag-tie-up sa anumang produkto na mamimigay ng coupon na maaaring gamitin pampanood ng pelikula nila. Kasi kung aasahan mo lang ang habag ng mga tao para panoorin ang pelikula mo, aba tiyak na uunahin nila ang kanilang sikmura kaysa iyo.

Kalimutan na rin iyang Martial Law subject. Hindi na interesado ang mga tao riyan. Ang dami nang nagawang pelikula tungkol diyan, panahon pa ni Lino Brocka. Kung mga pelikula ni Brocka na ganyan hindi kumita, ngayon pa?

About Ed de Leon

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Chloe Jenna Christine Bermas Milana Ikemoto

Chloe Jenna nahirapan makipaghalikan kay Christine 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MULING sumabak sa pagdidirehe ng sexy ang singer/aktor na si Jeffrey …