Wednesday , April 24 2024
It’s Showtime

It’s Showtime madalas ang overtime

HATAWAN
ni Ed de Leon

IYANG It’s Showtime, lagi naman daw iyang nag-o-overtime noong araw pa, at nakalulusot naman sila dahil hindi man sila ang number one sa kanilang time slot, mataas din ang kanilang ratings, kaya natural lang na siguruhin ng network na hindi sila mapuputol lalo na kung ganado pang magpatawa si Vice Ganda.

Noong mawalan sila ng prangkisa at palabas lamang sila sa cable at internet, lalong naging maluwag sa kanila pagdating sa oras. Nag-blocktime sila sa ZoeTV, ok pa rin naman ang overtime, basta huwag lang siyang umabot sa programa ni Eddie Villanueva sa gabi.

Ngayon, nasa TV5 sila bilang blocktimer. Ang oras nila hanggang 3:00 p.m. lang, kaya noong lumampas sila, natikman nila ang putulin sila on air. Tuloy ang show sa cable at sa ZoeTv, pero sa TV5, pinutol sila. Ganoon naman talaga dapat, kung anong oras ka dapat matapos, dapat tapos ka dahil maaapektuhan ang kasunod na programa. Lalo na kung blocktimer ka lang at wala kang control sa oras talaga.

Nakatikim din sila ng putol.

About Ed de Leon

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Regine Velasquez Julie Anne San Jose Darren Espanto JK Labajo

Julie Anne nag-sorry kay Regine

MA at PAni Rommel Placente ISA sana si Julie Anne San Jose sa guest sa concert ni Regine …

Ysabelle Palabrica

Kaba ni Tootsie binigyan ng bagong tunog ni Ysabelle

HARD TALKni Pilar Mateo SEGUE naman tayo sa isa pang masasabing aalagaan din nina Ladine …

Misteryo ng newbie singer na si Yza hinubog nina Vehnee at Ladine

HARD TALKni Pilar Mateo BACK-TO-BACK! Ang paglulunsad sa aspiring talents na ginigiya ng henyong kompositor …