Saturday , March 25 2023
Movies Cinema

Pinoy movies wala pa rin sa mga sinehan

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPALABAS na ang CineMalaya ng kanilang entries para sa taong ito. Walang problema iyang CineMalaya, may manood man o wala ay walang problema. Walang inaalalang sinehan iyan dahil sa Cultural Center of the Philippines (CCP) lang inilalabas ang mga iyan. Ang tickets naman sa panonood niyan ay napakamura. Mapuno man ang lahat ng screenings ng mga pelikula niyan, hindi pa rin makababawi sa puhunan.

Iyang CineMalaya, sinasabi ngang gumagawa ng pelikula para sa mga kritiko. Maski nga noong kasali pa riyan si Robbie Tan na noong panahong producer pa siya ng pelikula ay puro hits ang ginawa, hindi sila nakapagpalusot ng malaking hit sa CineMalaya.

Hindi naman problema ang mga pelikula nila. Bihira lang ang may malaking artista. May mga artista pa ngang makatulong lang, lumalabas sa pelikula nila nang libre, kagaya ng ginawa noon ni Vilma Santos doon sa Ekstra. Mga indie naman kasi iyan na talagang mababa lang ang budget kung gawin, kadalasan pa inaalalayan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) o ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga gastos sa pagtatapos ng mga pelikula nila.

Pero kung ganyan nga ang ating magiging sistema, kailan babangon ang industriya ng pelikula, na kailangang kumita at tangkilikin ng mga tao sa mga sinehan? 

Nakalulungkot, bukas ang mga sinehan pero walang pelikulang Filipino na mapanood, dahil ang mga pelikulang ginagawa ay walang malalaking artista, at talagang sa internet lang nila ipinalalabas, para maiwasang dumaan sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil mahahalay nga.

Minsan talaga dapat umupo ang mga bagong lider ng industriya at pag-usapan na ang dapat na maging kalagayan niyon. Eh kaso nga hindi pa makaupo ang mga bago dahil ayaw pang bumitaw ang mga luma.

About Ed de Leon

Check Also

TV5 HD

Kapatid viewing experience mas pina-level up sa TV5 HD

MAS malinaw at mas pina-intense pa ang panonood ng mga Kapatid viewer ng kanilang mga …

Tito Sotto Alden Richards Maine Mendoza

Tito, Maine, Alden matitirang host ng EB, Direk Louie, talent manager pasok din

MA at PAni Rommel Placente PINAG-USAPAN sa online show namin na Marisol Academy Tsika Tonite, hosted …

Gerald Anderson Julia Barretto Korina Sanchez 

Gerald tiniyak kay Korina: Julia pakakasalan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gerald Anderson sa programa ni Korina Sanchez na Korina Interviews na umere sa Net25noong …

Ashley Ortega Xian Lim

Ashley guwapong-guwapo kay Xian

RATED Rni Rommel Gonzales FIRST time magkapareha sa isang TV project, ang Hearts On Ice ng GMA, sina Ashley …

Isko Moreno Honey Lacuna Yul Servo Miss Manila

Yul pinapurihan si Isko, mga proyektong iniwan inaani nila ni Mayor Honey

RATED Rni Rommel Gonzales TINANONG namin si Manila City Mayor Honey Lacuna kung ano ang naging saloobin …