Thursday , June 4 2026
Iza Calzado Darna

Iza nakahihinayang may edad na nang makapagsuot ng Darna costume

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA namin iyong pictures ni Iza Calzado na nakasuot ng costume ni Darna. Sayang, dahil nang makapagsuot siya ng costume ni

Darna, may edad na siya. Magsusuot na lang siya ng costume, hindi na siya puwedeng Darna. Eh kasi nang gawin naman ni Uncle Mars ang character na iyan, talagang bata si Narda na nagiging Darna. Kung si Iza ay gagawin nilang Darna, hindi na bata ang hahanapin nilang Ding, dapat ay binata na.

Nanghihinayang kami riyan kay Iza. May hitsura, marunong namang umarte, pero mukhang hindi tama ang diskarte sa career kaya hindi sumikat nang husto. Kung hindi nga lang siguro namatay ang tatay niyang si Lito Calzado, naturuan pa siya at maaalalayan ang takbo ng kanyang career at tiyak mas sikat siya kaysa ngayon.

Minsan talaga iyang career ng isang artista, depende sa diskarte iyan eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …