Monday , August 8 2022
Bea Alonzo Alden Richards

Bea dapat nang asikasuhin ang career: serye kay Alden ‘di tiyak ang pagre-rate

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG kami ang tatanungin, ok lang iyong sinabi ni Bea Alonzo na ok lang sa kanyang makatrabaho maski sino man sa mga “ex” niya maliban lang sa isa. Hindi man niya binanggit kung sino, tiyak na si Gerald Andersoniyon. Nakadalawang balikan na nga naman sila, masama pa rin ang naging katapusan, kaya hindi mo siya masisisi kung ayaw na niyang ma-associate kahit na sabihin mong trabaho lang sa dating

syota.

Karapatan niya iyon bilang isang artista at sa posisyon niya ngayon, maaari pa rin nga siyang mag-demand kung may taong ayaw niyang makatrabaho. Nangyayari naman iyan kahit na kanino. Maski naman siguro kayo may mga taong ayaw ninyong makasama sa trabaho.

Minsan nga may mga taong makita lang natin naaasiwa na tayo. Iyan ay normal na damdamin ng isang tao, at walang kaibahan si Bea.

Sa ngayon, kina Bea at Gerald, mas matatanong siguro si Bea kung payag siyang makatambal muli ang ex niya, kaysa ang ex niya ang matanong kung ok na kasama siya. Mas sikat pa rin nang kaunti si Bea, pero kung bumaliktad ang sitwasyon, lalo na ngayong hindi rin naman kagandahan ang takbo ng career niya dahil matagal na siyang hindi napapanood, para ngang wise lang na hindi na muna magbigay ng mga patapos na statement na gaya niyan.

Sabihin man niya iyan, at sagutin naman siya ni Gerald ng “eh ano,” ano nga ba ang magagawa niya?

Pero iyang si Bea dapat asikasuhin na niya ang career niya.

Iyang ginagawa niya ngayong kasama si Alden Richards ay hindi sigurado na magiging top rater, at kung hindi nga baka matagalan na naman bago masundan iyan. Kung sa bagay, may malaki na siyang farm, may bahay na sa Spain, maaaring doon na lang siya kung tumagilid ang career niya.

About Ed de Leon

Check Also

Tommie Mopia Gawad America award

US base entrepreneur/producer Tommie Mopia Gawad America awardee

RATED Rni Rommel Gonzales IPINANGANAK at lumaki sa Pilipinas, sa Iloilo, si Tommie Mopia at nag-migrate sa …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru nanghinayang, Bianca mag-isang rumampa

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, inihayag ng …

Tonton Gutierrez Gil Cuerva Gabby Garcia Khalil Ramos

Tonton natameme sa galing ni Gil Cuerva

COOL JOE!ni Joe Barrameda REVELATION si Gil Cuerva huh. Nahasa na sa galing umarte.  Dati walang kalatoy-latoy …

Mikee Quintos Lianne Valentin

Mikee natatalbugan ng kontrabida

COOL JOE!ni Joe Barrameda Kung sa seryeng Lolong ay marami ang sumusubaybay sa Primetime ng GMA, ang Apoy Sa …

Rob Guinto Purificacion

Rob Guinto ‘di lang paghuhubad na-challenge rin sa Purificacion

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Rob Guinto sa tampok sa pelikulang Purificacion na …